Pangatnig – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa
magkasunod
na salita, parirala, o sugnay.
Dalawang
pangkat ng Pangatnig:
1. nag-uugnay
ng dalawang
magkatimbang na
salita, parirala, o
sugnay
na kapwa makatatayong mag-isa.
v at,
saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, atb.
At, saka, pati –
ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o
parirala o sugnay sa nauuna.
Hal.
Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.
O, ni,
at maging - tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa
dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay
Hal. Ni saktan ni pagalitan
ay hindi ko ginawa sa’yo.
Ngunit, subalit, datapwat, bagamat,
at pero – ay tinatawag na mga pangatnig na panalungat.
Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Hal.
Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.
2. nag-uugnay
ng di-magkatimbang na salita, parirala, o
sugnay.
v Kung,
kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana
Kung, kapag, at pag –
pangatnig na panubali.
Hal.
Uuwi ako kapag kasama ka.
Dahil
sa, sapagkat, palibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan;
Tinatawag na mga pangatnig na pananhi
Hal. Palibhasa’y matalino,
hindi nag-aaral sa Ben.
Kaya, kung
gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw;
0
ginagamit upang bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng
sugnay
na di-makapag-iisa.
Hal. Kung nag-aral
ako, hindi sana ako bumagsak
ð
Napakahalaga ng mga pangatnig lalo na sa ating pang araw araw na
pakikipag usap sa ting kapwa . Hindi lang natin napapansin na araw araw natin
itong nagagamit sapagkat madalas na hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang
ating mga sinasabi kung tama ba o hindi . Gamit ang pangatnig mas madali tayong
magkakaintindihan at makikipagtalakayan sa ating kapwa J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento