·
Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang
mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari
upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
·
Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
Mga Layunin ng Editoryal
1. Magpabatid
2. Magpakahulugan
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Magpahalaga sa tanging
araw
6. Manlibang
Mga
Uri ng Editoryal
1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag
nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
2. Nagpapabatid. Ito’y
nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
3. Namumuna
at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng
isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at
kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.
4. Nagpaparangal
at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may
kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging
Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang
kabutihan.
5. Nagpapahalaga
sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga
tanging araw o okasyon.
6. Nanlilibang. Hindi
ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit ditto ay di-pormal,
Masaya, kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang.
GaLing sa : http://www.takdangaralin.com/filipino/editoryal/editoryal-pagsulat-ng-editoryal-o-pangulong-tudling/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento