Miyerkules, Oktubre 22, 2014

Kohesiyong Gramatikal :)

Anapora, Katapora

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang texto o pahayag.

Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

1.
Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.

2.
Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento