Mga
Nagpapalawak ng PANGUNGUSAP:
1. Mga Paningit Bilang Pampalawak
- Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinama sa
pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.
- Mga talaan ng ating mga paningit:
ba din/rin pa
kasi ho nga
na lamang/ lang pala
naman man po
kaya muna tuloy
daw/raw sana yata
Ang mga katagang ka/ ko/ at mo/ ay maaring manguna sa mga paningit.
Mga tuntunin sa wastong gamit ng mga paningit:
1.) Unang salitang may diin+ paningit
2.) Unang salitang may diin+ ka/ko/mo + paningit
hal. 1.) Ang bata na ang tawagin mo.
2.) Kahit hindi man kayo matuloy ay dapat kang
maghanda.
3.) Bakit ka nga ba hindi dumating?
Mga paningit na malayang magpapalitan:
daw at raw – ito’y ginagamit kapag ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/.
din at rin- ginagamit naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig o malapatinig.
hal. 1.) Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan.
3.) Suwelduhan din daw ang ama niya.
Ang lamang ay pormal nba anyo ng kolokyal na anyong lang.
hal. 1.) Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.
2.) Isasangguni po lamang naming sa tagapangulo njg komite ang hinggil sa
suliranin ng mga kasapi.
2. Mga Panuring Bilang Pampalawak
2 kategoriya ng mga salita ang magagamit na panuring:
Pang-uri na panuring sa pangalan o panghalip.
hal. Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.
Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Hal. Umalis agad ang mag-anak.
3. Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak
1.) Kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa
hal. Nagpiknik ang mag-anak sa tabing-dagat.
2.) Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa
Hal. Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga pananim sa pamamagitan ng
bagong gamut na ito.
3.) Kaganapang direksyunal
hal. Nagtanong si baby Linda kay Ben.
4.) Kaganapang sanhi
hal. Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.
5.) Kaganapang tagaganap
hal. Pinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak.
6.) Kaganapang layon
hal. Namili ng mga alahas si Josefina.
7.) Kaganapang tagatanggap
hal. Nagluto si Pining para sa mga bata
ð Lubos na nakatutulong ang
mga panaguri at paksa sa pagpapalawak ng mga pangungusap ,Sa pamamagitan
nito , lubos na naiintindihan ng mambabasa ang gustong iparating na aral o
mensahe ng isang babasahin J
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento