Pantay na Karapatan sa Bawat Kasarian
Bata,matanda,lalaki,o
babae, anumang edad ay may karapatang mabuhay sa mundo. Karapatang maging Masaya,
karapartang tanggapin at igalang. Noon, litaw na litaw sa ating lipunan ang
hindi pantay na pagtingin sa bawat kasarian. Maraming kababaihan noon ang
nakararanas ng hindi tamang pagtrato laban sa mga kalalakihan. Noon, hindi
mahalaga ang kababaihan sa lipunan. Walang karapatan magdesisyon, sa bahay lang
pwedeng magtrabaho, at ang masaklap pa ay pinapalaglag ang mga sanggol na
babae, tinatanggalan sila ng karapatang mabuhay.
Bawat
isa sa mundo, ay may kanya kanyang tungkulin. Bawat isa ay mahalaga. Ang babae
ay para sa lalaki at ang lalaki naman ay para sa mga babae. Kung wala ang babae
, paano na ang lalaki ? At kung wala ang lalaki, Paano na ang mga babae ? Ang
babae ay katuwang sa buhay at hindi alalay sa pang araw araw.Napakalaki ng
naiambag ng kababaihan sa ating lipunan at maging sa ating bansa. Halimbawa
nito ay si Corazon Aquino na namuno at nagpasimula ng demokrasya sa ating
bansa. Pinatunayan nya na ang mga kababaihan ay bahagi ng pagunlad ng lipunan
at ng ating bansa.
Tunay nga
na bawat isa ay mahalaga. Kaya lahat tayo ay karapatdapat igalang at dapat ding
gumalang sa kapwa. Ano man ang kasarian, ano man ang lahi, dapat paring manaig
ang pantay na pagtingin sa bawat kapwa natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento