Iba ka sa lahat
“Ang tunay na
kaibigan ay lagi kang dadamayan sa kabila ng marami mong kahinaan”. Linyang
tumutukoy at naglalarawan sa aking kaibigan at linyang nagpapatunay na iba siya
sa lahat ng aking nakilala. Sino ng ba siya ?
Si Carl Aerial
Tamparia….. katabi ko at kaibigan ko pa sa loob at labas ng silid-aralan. Si
Carl ay masasabi kong iba talaga sa lahat dahil siya yung tipo ng taong prangka
magsalita sapagkat ayaw niyang ang ibang tao pa ang makakapansin ng mali mo.
Siya ay maasahan hindi lang sa problema maging sa tawanan ng aming samahan,
ayan si Carl. Si Carl na may maitim mang kulay ngunit taglay niya ang kaputian
sa panloob na nararamdaman. Laging bukas ang kanyang puso upang tumulong at
samahan ka sa lahat ng iyong pinagdaraanan. Grabe man kung mambara sa oras ng
inyong usapan , lagi namang nandyan upang pagaanin ang iyong mabigat na
kalooban.
“Walang tao ang
kayang mabuhay ng mag isa” Kaya para sa akin , lahat tayo ay may karapatang
makahanap at magkaroon ng taong dadamay sa atin ano man ang mangyari…..Ang
ating mga kaibigan… si Carl….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento