Martes, Enero 20, 2015

Repleksyon Para sa Ikasiyam na Linggo

            Higit na nakakapagod ang linggong ito kaysa noong nakaraan. Napakarami kasi naming inasikaso pagkatapos ng ikatlong markahang pagsusulit. Inatasan kami ng aming mga guro na ayusin at ipasa ang mga dapat ipasa gaya ng kwaderno , Portfolio at iba’t ibang proyekto. Napagtanto ko na napakahirap pala talagang mag aral ngunit mas mahirap kung wala kang pinag aralan. Kailangan ng sipag at tiyaga upang magtagumpay sa huli. Para naman sa Asignaturang Filipino , bilang panimula , ipinaalam ni Ginang Mixto sa amin ang aming mga pag aaralan sa loob ng ikaapat na markahan . ito ay tungkol sa Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal . Masaya kaming nalaman ito sapagkat magiging malawak na din an gaming kaalaman tungkol sa ating pambansang bayani ganun din sa kanyang mga isinulat . Kalakip nito ang paunang pagsusulit upang masukat an gaming mga nalalaman tungkol sa Noli Me Tangere . Para sa aming Produkto , gagawa kami ng Trailer at ShortFilm tungkol sa kabanata 7, 34, 54 at 60. Sa linggo din na ito dumating ang ating Santo Papa na si Pope Francis . Hindi man ako nakapunta ng personal sa kanya , damang dama ko naman ang kanyang mga mensahe kahit sa Telebisyon lamang . Nakakatuwang isipin na sa kabila ng malakas na ulan , pinagpatuloy pa din ni Pope Francis ang kanyang misyon sa ating bansa habang maraming pilipino din naman ang sinuong ang ulan para lamang makita siya at mapakinggan ang kanyang mga aral .

          #BlessedByThePope<3 #PopeFrancis<3 

Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon Para sa Ikawalong linggo :)

Sa Isang linngo naging pagkikita , marami tayong mga natalakay. Pinag-aralan natin ang tungkol sa :
“Pagpapasidhi ng Damdamin”
ð  ito ay tumutukoy sa antas, lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang  nagpapahayag ng damdamin . Halimbawa nito ay : Nagiinit , Nag-aapoy ,Naglalagablab.
“Sanaysay”
ð  ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro Abadilla.
ð  Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.
ð  Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham.
ð  Nagsasalaysay ng pangyayari .
ð  Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng mambabasa .
“3 Elemento ng Sanaysay”
·         Paksa => Sentro ng ideya ng buong akda.
·         Tono => Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa.
·         Kaisipan => mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.
“4 na uri ng Teksto”
·         Narativ o nagsasalaysay
·         Informativ o nagbibigay impormasyon
·         Persuasive o nanghihikayat
·         Argumentative o nagbibigay ng argumento
“Pamaksang Pangungusap”
Ø  Tinatawag na pangunahing ideya.
Ø  Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Ø  Ang pangungusap na ito ay maaaring matagpuan sa unahan , gitna , at sa huling talata.
Ø  Tumutukoy kung ano ang pinaguusapan sa buong talata.
Halimbawa:
·         Ang lahat ng malalayang bansa sa mundong ito ay may apat na magkakatulad na bagay.
“Pantulong na Pangungusap”
Ø  Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.
Halimbawa:
·         Ang mga sagisag nito ay isang pambansang pamahalaan , watawat , awit , at isang pambansang wika.
Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
= Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
= Paggamit ng estadistika o survey.
= Paggamit ng halimbawa.

At bilang paghahanda sa ating ikatlong markahang pagsusulit , nagkaroon din tayo ng mahabang pagsasanay tungkol sa ating mga napag aralan. 


Linggo, Disyembre 28, 2014

Repleksyon para sa Ikapitong Linggo

Sa huling linggo ng talakayan  bago magbakasyon , sinamahan tayo ni Bb. Basbas sa silid-aralan. Sinariwa natin ang ideya ng : Ang dalit kay maria at ang Elehiya sa kamatayan ng aking Kuya . Binasa at pinag aralan din natin ang akdang Kung tuyao na ang luha mo aking bayan ni Amado Hernandez http://www.bulatlat.com/news/2-44/2-44-amado.html Ito ay tungkol sa karanasan ng ating  bayan sa mga taong nakapaligid sa kanya . Pinag aralan din natin ang pagpapasidhi ng damdamin , ito ay sinasagawa o inaayos pababa  pataas o sa madaling salita mahina papalakas . halimbawa nito ay Galit, Poot , suklam at kalakip nito ang ilang pagsasanay.

Lunes, Disyembre 15, 2014

Repleksyon para sa ikaanim na Linggo 

   Ngayong Linggong ito , wala kaming masyadong ginawa dahil sa maraming dahilan . Sa unang araw , walang pasok dahil sa Antipolo Day , sa ikalawang araw naman , wala  ring pasok dahil sa lakas ng bagyong Ruby. Sa ikatlong araw , ang mga manunulat sa dyaryo ng paaralan ay naatasang tapusin ang bawat artikulo sapagkat pasahan na ng Dyaryo. Sa ikaapat na araw naman , wala pa rin si Ginang Mixto dahil inaasikaso nya ang Dyaryo sa Filipino . Bilang Gawain , Inatasan kami ni Ginoong Mixto na Kopyahin sa isang buong papel ang ilan sa mga akda at mga pagsasanay na aming tatalakayin . Sa Huling araw ng linggo , kami ay nasa Bahay Kalinga para bigyang handog ang mga batang nasa loob ng bahay Pag-asa . Pero nabanggit sa akin ng aking kamag aral ang mga napagaralan nila. Tinalakay nila ang mga akdang Elehiya para sa kamatayan ni Kuya , Ang Dalit kay Maria at kung tuyo na ang luha mo aking bayan. Kasunod nito ang pagtatalakay nila sa Pagkakaiba ng Elehiya , Dalit at  Oda. Ang Elehiya ay isang tulang Liriko na may karaniwang lungkot at pagdadalamhati , Ang Dalit naman ay isang katutubong anyo ng tula na may walong pantig bawat taludtod.Habang ang Oda ay tuang madamdamin na nagpaparangal sa isang dakilang gawain ng tao . 

Linggo, Disyembre 7, 2014

Aralin 3 :)

Sa linggong ito , nagsimula na an gating talakayan sa Aralin 3 . Bilang panimula , nagparinig si Ginang Mixto ng isang mensahe ng anak sa kanyang mga magulang . Naging Emosynal ang ilan sa atin , marahil dahil naaalala nila ang mga mahal nila sa buhay partikular na ang gating mga dakilang magulang. Bilang Gawain , nagbigay ng ilang mga katanungan si Ginang Mixto na ating dapat sagutin sa kalahating bahagi ng papel pahalang. Ilan sa mga katanungan na nakapalob dito ay “Ano ang mga hakbang na gagawin natin sa oras na mawala ang mga mahal natin sa buhay . Naging Emosyonal din ako sap ag sagot sapagkat , hindi man natin kagustuhan na mawala sila , darating at darating talaga yung mga pagkakataon na iyon . At sa mga oras na iyon , namutawi sa aking puso ang pagmamahal ko sa aking mga magulang . Ang aralin 3 ay nakapokus sa Elehiya .

Elehiya :
ð Ang Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhi ng damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Katangian ng Elehiya :
·        Tula ito ng pananangis , alaala at pagpaparangal ng mahal sa buhay .
·        Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at dakila .
Halimbawa ng Elehiya :

http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html

Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

Aralin 2

Talinghaga :
ð  Mga salita, parirala o pangungusap na may malalim na kahulugan . Kailangang pagisipang mabuti upang maunawaan. Nabibilang ditto ang mga tayutay , idyoma, at parabula.
Ano nga ba ang Idyoma ?
ð  Ang idyoma ay mga salitang may malalim na kahulugan , ito ay madalas na maririnig sa mga matatanda .
Halimbawa ng mga Idyoma :
·         Anak Pawis – Manggagawa
·         Isulat sa tubig – Kalimutan
·         Haligi ng tahanan – ama
·         Kabiyak ng dibdib – asawa
·         Balat sibuyas – maramdamin
Ang nga ba ang Parabula ?
ð  Ito ay mula sa salitang griyego na “parabole” na nangangahulugang dalawang bagay na maaaring tao , bagay , hayop, lugar o pangyayari. Ito ay makatotohanang pangyayari na naganap noong panahon ni Jesus .
ð  Ito rin ay nagtuturo sa atin upang gawin natin ang karapat dapat na kilos sa bawat sitwasyon.
Katangian ng Parabula
·         Isang maikling kwento na naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan ; ito’y payak na salaysay.
·         Tinutukoy nito nito ang tagpuan, inilalarawan ang aksyon at ipinakikita ang resulta.
·         Kadalasan ang parabola ay tungkol sa isang tauhang gumawa ng isang maling desisyon na humaharap sa isang suliraning moral o kaya isang tauhang gumawa at nagdurusa sa mga hindi inaasahang resulta.
·         May malalim na kahulugan
·         Gumagamit ng mga wikang metaporikal
·         Nakapaloob ang mahihirap at komplikadong kaisipan
Halimbawa :
Ang Talinghaga Patungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan.
Mateo 20:1-16
1Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang may-ari ng sambahayan na lumabas nang maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa sa kaniyang ubasan. 2Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denaryo sa bawat araw, sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan.
3Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na at nakita niya ang iba na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.4Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa ubasan at kung ano ang nararapat, ibibigay ko sa inyo. Pumunta nga sila.
5Lumabas siyang muli nang mag-iikaanim at mag-iikasiyam na ang oras at gayundin ang ginawa. 6Nang mag-ikalabing-isang oras na, lumabas siya at natagpuan ang iba na nakatayo at walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila: Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7Sinabi nila sa kaniya: Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa amin.
Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan. Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.
8Nang magtatakip-silim na, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala: Tawagin mo ang mga manggagawa. Ibigay mo sa kanila ang kanilang mga upa, mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9Paglapit ng mga dumating ng mag-iikalabing-isang oras, tumanggap ng isang denaryo ang bawat isa. 10Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa. Ngunit sila ay tumanggap din ng tig-iisang denaryo.11Nang matanggap na nila ito, nagbulung-bulungan sila laban sa may-ari ng sambahayan. 12Sinabi nila: Ang mga huling ito ay isang oras lamang gumawa at ipinantay mo sa amin na nagbata ng hirap at init sa maghapon.
13Sumagot siya sa isa sa kanila: Kaibigan, wala akong ginawang kamalian sa iyo. Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin sa isang denaryo? 14Kunin mo ang ganang sa iyo at lumakad ka na. Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng ibinigay ko sa iyo. 15Hindi ba nararapat lamang na gawin ko ang ibig kong gawin sa aking ari-arian? Tinitingnan ba ninyo ako nang masama dahil ako ay mabuti?
16Kaya nga, ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli sapagkat marami ang mga tinawag ngunit kakaunti ang mga pinili.

Galing sa : https://biblesharingonline.wordpress.com/2011/08/18/ang-talinghaga-patungkol-sa-mga-manggagawa-sa-ubasan-ang-ating-ebanghelyo-para-sa-agosto-17-2011/

   *     “Ito ang dahilan kung bakit nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga parabula ; kahit nakakakita , di nila nakikita, kahit naririnig , di nila naririnig o nauunawaan.”
Paliwanag :

 Ang parabulang ito ay sinambit ni Hesus. Ito ay tungkol sa mga taong gusto lamang gawin ang kanyang mga gusto kaysa sa tama . Halimbawa , may mga simbahan nga tayong nakikita ngunit may ibang hindi pumapasok , mga mga bibliya nga tayo , ngunit ang iba ay hindi binabasa at sinasapuso dahil nakadepende lamang tayo sa ating mga ninanais.

Sabado, Nobyembre 22, 2014

Repleksyon

Ngayong Linggong ito , tinalakay muli natin ang tungkol sa paghahambing . Binigyan din tayo ni Ginang Mixto ng Pagsasanay. Binalikan din natin ang tungkol sa Rama at Sita. Pinaalala ni Ginang Mixto an gating Movie Trailer , at bilang dagdag sa ating Produkto , pinaalala nya sa ain ang tungkol sa Informance na kung saan pipili tayo ng epiko sa asya at atin itong gagayahain. At pinaalala din ni Ginang Mixto an gating Takdang Aralin , ang Ilustrado. Ang buhay ni Pepe na gagawan natin ng Buod at Repleksyon.