Biyernes, Marso 20, 2015

Buong Karanasan sa baitang 9 J

                                Sa halos isang taon ko sa baitang 9, marami akong naging karanasan. Karanasan na nagbigay aral,nakapagpasaya, at nakapagpalungkot na talaga naming hindi malilimutan. Ibang iba kasi ito sa aming nakasanayan noong kami ay nasa baitang 8. Marahil dahil sa kaunti na lamang ang oras ngayon kaysa noon. Noon kasi halos baby kami kung maituring dahil sa lahat ng kompetisyon na aming sinasalihan halos lahat ng guro ay pinagtutuunan kami ng pansin, pinapagamit sa amin ang kanilang oras para sa pag eensayo ngunit ngayon, dahil a kakulangan sa oras sa aming klase pa lamang, kung kaya’t kailangan naming ng malawak na pag intindi sa aming mga guro. Hindi nagging madali ang aking karanasan sa taong ito. Araw Araw ay parang isang digmaan na kung saan kailangan mong lumaban dahil kapag sumuko ka, ikaw ang matatalo o mamatay. Sobrang nakakapagod dahil bukod sa aming pag aaral sa loob ng silid aralan, mayroon pa kaming sinalihang iba’t ibang organisayon o kompetisyon. Sobrang nakakastress sa dami ng takdang aralin, proyekto na kailangan ipasa sa tamang oras. Dagdag pa riyan ang alitan sa pagitan ng kamag aral dahil sa iba’t ibang rason. Ganun pa man, sa pagtatapos ng oras sa isang araw, nakatutuwang isipin na nakakayanan ng bawat isa ang pagsubok, na sa kabila ng pagsubok nakangiti pa rin kaming lahat. Stress at pagod man araw araw, nababaliwala ito sa tuwing nakikita ko ang aking grado. Sa taong ito, muli nanaman akong nakaramdam ng pangalawang pamilya. Sa mga pagkakataon na ilalaban ka sa ibang paaralan o sa mga kompetisyon na sinasalihan ko, buong puso kong nararamdaman ang kanilang buong suporta at pagpupursige pa nila sa akin. Sabi nga nila “Mahirap Mag aral pero mas mahirap pag walang pinag aralan”. Anumang hirap at pagod ang aking dadanasain, lagi kong sinasapuso na parte ito ng pagiging estudyante at kung wala akong haharaping pagsubok, hindi ako matututo at makakaahon sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento