Biyernes, Marso 20, 2015

Masasabi sa aming Guro



                                   Noon, akala ko masungit si maam, mataray, strikta. Pero sa halos isang taon naming pagsasama, nabago ang aking mga maling akala. Mabait si Maam, masipag magturo, magaling na guro at syempre maganda J Siya yung tipo ng guro na masasabi mong di tipikal. Sa kanyang pagpasok sa aming silid araw araw, iba ang kanyang emosyon. Akala mo laging seryoso at galit pero habang nasa klase na siya, sulit na sulit. Matatawa ka na, marami ka pang matututunan. Dagdag pa riyan hindi mo rin maiiwasang mapa WOW sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni maam. Yung tipong purong tagalog at napaka daming alam. Minsan nga napapanganga nalang ako. Sa bawat araw, ibat ibang aralin ang aking natututunan na talaga namang nagiging malinaw at lubos kong naiintindihan. Napakagaling kasi ni Maam magpaliwanag. Strikta pero nasa hulog talaga , ayaw niya na umuupo kami sa hindi namin totoong upuan. Ayaw niya na may iba kaming ginagawa sa tuwing may nagsasalita. Mahigpit din si maam, hindi ko makakalimutan ang pagsubok na ibinigay niya sa amin, ang bawal magsalita ng kahit na anong salitang ingles sa oras ng kanyang pagtuturo, kahit na SO o anupaman na may kaugnayan sa Ingles. Dahil unang guro namin siya, minsan natatawa na lang kami dahil nadadala na namin ito maging sa aming normal na paguusap. Pero kung atin talagang sususmahin, unti unti kong napagtatanto na napakagandang pakinggan ang salitang purong tagalog. Isa rin si maam sa aking gustong guro. Bakit? Dahil nakakatuwang isipin na sa kabila ng edad ni maam, nakakasabay pa rin siya sa aming mga pinaggagawa,yung tipong naiintindihan niya kami lalo na sa aming nararanasan bilang mag aaral at bilang kabataan. Minsan pa nga nang dahil sa mga payo niya napapangiti ang bawat isa. Kaya para sa huling pahayag, Maraming Maraming salamat po aming guro J isa kang biyaya na lubos po naming ipinagpapasalamat sa panginoon, salamat po sa araw araw na payo, saya at mga aral. Nawa’y bigyan pa po kayo ng lakas ng poong maykapal upang marami pa po kayong matulungang mag aaral. Maraming salamat po J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento