Ngayong Linggong ito , wala kaming masyadong ginawa dahil sa maraming
dahilan . Sa unang araw , walang pasok dahil sa Antipolo Day , sa ikalawang
araw naman , wala ring pasok dahil sa
lakas ng bagyong Ruby. Sa ikatlong araw , ang mga manunulat sa dyaryo ng
paaralan ay naatasang tapusin ang bawat artikulo sapagkat pasahan na ng Dyaryo.
Sa ikaapat na araw naman , wala pa rin si Ginang Mixto dahil inaasikaso nya ang
Dyaryo sa Filipino . Bilang Gawain , Inatasan kami ni Ginoong Mixto na Kopyahin
sa isang buong papel ang ilan sa mga akda at mga pagsasanay na aming
tatalakayin . Sa Huling araw ng linggo , kami ay nasa Bahay Kalinga para
bigyang handog ang mga batang nasa loob ng bahay Pag-asa . Pero nabanggit sa
akin ng aking kamag aral ang mga napagaralan nila. Tinalakay nila ang mga
akdang Elehiya para sa kamatayan ni Kuya , Ang Dalit kay Maria at kung tuyo na
ang luha mo aking bayan. Kasunod nito ang pagtatalakay nila sa Pagkakaiba ng
Elehiya , Dalit at Oda. Ang Elehiya ay
isang tulang Liriko na may karaniwang lungkot at pagdadalamhati , Ang Dalit
naman ay isang katutubong anyo ng tula na may walong pantig bawat
taludtod.Habang ang Oda ay tuang madamdamin na nagpaparangal sa isang dakilang
gawain ng tao .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento