Linggo, Disyembre 7, 2014

Aralin 3 :)

Sa linggong ito , nagsimula na an gating talakayan sa Aralin 3 . Bilang panimula , nagparinig si Ginang Mixto ng isang mensahe ng anak sa kanyang mga magulang . Naging Emosynal ang ilan sa atin , marahil dahil naaalala nila ang mga mahal nila sa buhay partikular na ang gating mga dakilang magulang. Bilang Gawain , nagbigay ng ilang mga katanungan si Ginang Mixto na ating dapat sagutin sa kalahating bahagi ng papel pahalang. Ilan sa mga katanungan na nakapalob dito ay “Ano ang mga hakbang na gagawin natin sa oras na mawala ang mga mahal natin sa buhay . Naging Emosyonal din ako sap ag sagot sapagkat , hindi man natin kagustuhan na mawala sila , darating at darating talaga yung mga pagkakataon na iyon . At sa mga oras na iyon , namutawi sa aking puso ang pagmamahal ko sa aking mga magulang . Ang aralin 3 ay nakapokus sa Elehiya .

Elehiya :
ð Ang Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhi ng damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Katangian ng Elehiya :
·        Tula ito ng pananangis , alaala at pagpaparangal ng mahal sa buhay .
·        Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at dakila .
Halimbawa ng Elehiya :

http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento