Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon Para sa Ikawalong linggo :)

Sa Isang linngo naging pagkikita , marami tayong mga natalakay. Pinag-aralan natin ang tungkol sa :
“Pagpapasidhi ng Damdamin”
ð  ito ay tumutukoy sa antas, lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang  nagpapahayag ng damdamin . Halimbawa nito ay : Nagiinit , Nag-aapoy ,Naglalagablab.
“Sanaysay”
ð  ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro Abadilla.
ð  Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.
ð  Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham.
ð  Nagsasalaysay ng pangyayari .
ð  Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng mambabasa .
“3 Elemento ng Sanaysay”
·         Paksa => Sentro ng ideya ng buong akda.
·         Tono => Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa.
·         Kaisipan => mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.
“4 na uri ng Teksto”
·         Narativ o nagsasalaysay
·         Informativ o nagbibigay impormasyon
·         Persuasive o nanghihikayat
·         Argumentative o nagbibigay ng argumento
“Pamaksang Pangungusap”
Ø  Tinatawag na pangunahing ideya.
Ø  Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Ø  Ang pangungusap na ito ay maaaring matagpuan sa unahan , gitna , at sa huling talata.
Ø  Tumutukoy kung ano ang pinaguusapan sa buong talata.
Halimbawa:
·         Ang lahat ng malalayang bansa sa mundong ito ay may apat na magkakatulad na bagay.
“Pantulong na Pangungusap”
Ø  Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.
Halimbawa:
·         Ang mga sagisag nito ay isang pambansang pamahalaan , watawat , awit , at isang pambansang wika.
Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
= Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
= Paggamit ng estadistika o survey.
= Paggamit ng halimbawa.

At bilang paghahanda sa ating ikatlong markahang pagsusulit , nagkaroon din tayo ng mahabang pagsasanay tungkol sa ating mga napag aralan. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento