Noon, akala
ko masungit si maam, mataray, strikta. Pero sa halos isang taon naming
pagsasama, nabago ang aking mga maling akala. Mabait si Maam, masipag magturo,
magaling na guro at syempre maganda J
Siya yung tipo ng guro na masasabi mong di tipikal. Sa kanyang pagpasok sa
aming silid araw araw, iba ang kanyang emosyon. Akala mo laging seryoso at
galit pero habang nasa klase na siya, sulit na sulit. Matatawa ka na, marami ka
pang matututunan. Dagdag pa riyan hindi mo rin maiiwasang mapa WOW sa bawat
salitang lumalabas sa bibig ni maam. Yung tipong purong tagalog at napaka
daming alam. Minsan nga napapanganga nalang ako. Sa bawat araw, ibat ibang
aralin ang aking natututunan na talaga namang nagiging malinaw at lubos kong
naiintindihan. Napakagaling kasi ni Maam magpaliwanag. Strikta pero nasa hulog
talaga , ayaw niya na umuupo kami sa hindi namin totoong upuan. Ayaw niya na
may iba kaming ginagawa sa tuwing may nagsasalita. Mahigpit din si maam, hindi
ko makakalimutan ang pagsubok na ibinigay niya sa amin, ang bawal magsalita ng
kahit na anong salitang ingles sa oras ng kanyang pagtuturo, kahit na SO o
anupaman na may kaugnayan sa Ingles. Dahil unang guro namin siya, minsan
natatawa na lang kami dahil nadadala na namin ito maging sa aming normal na
paguusap. Pero kung atin talagang sususmahin, unti unti kong napagtatanto na
napakagandang pakinggan ang salitang purong tagalog. Isa rin si maam sa aking
gustong guro. Bakit? Dahil nakakatuwang isipin na sa kabila ng edad ni maam,
nakakasabay pa rin siya sa aming mga pinaggagawa,yung tipong naiintindihan niya
kami lalo na sa aming nararanasan bilang mag aaral at bilang kabataan. Minsan
pa nga nang dahil sa mga payo niya napapangiti ang bawat isa. Kaya para sa
huling pahayag, Maraming Maraming salamat po aming guro J isa kang biyaya
na lubos po naming ipinagpapasalamat sa panginoon, salamat po sa araw araw na
payo, saya at mga aral. Nawa’y bigyan pa po kayo ng lakas ng poong maykapal
upang marami pa po kayong matulungang mag aaral. Maraming salamat po J
Biyernes, Marso 20, 2015
Masasabi sa Kurikulum ng K-12
Sa una, nakakainis
marinig na madadagdagan ang taon n gaming pag aaral ngunit ng malaman namin ang
layunin at paliwanag sa kurikulum, nabago ang aking pananawa. “kakaiba”,
“astig”. Dalawang salita na masasabi ko sa kurikulum ng K-12. Dahil sa
kurikulum na ito, puro estudyante ang dapat na nagsasalita sa harapan. Mahabang
Panahon man ang gugugulin para matapos ang kurikulum, marami naman itong
mabuting dulot. Sa pamamagitan nito, lubos na nahahasa ang mga mag aaral lalo
na sa pakikipag talastasan sa klase. Makatutulong din ito sa bawat mag aarala
upang maging madali ang pagtahak sa pagdating ng Kolehiyo.
Buong Karanasan sa baitang 9 J
Sa halos isang
taon ko sa baitang 9, marami akong naging karanasan. Karanasan na nagbigay
aral,nakapagpasaya, at nakapagpalungkot na talaga naming hindi malilimutan.
Ibang iba kasi ito sa aming nakasanayan noong kami ay nasa baitang 8. Marahil
dahil sa kaunti na lamang ang oras ngayon kaysa noon. Noon kasi halos baby kami
kung maituring dahil sa lahat ng kompetisyon na aming sinasalihan halos lahat
ng guro ay pinagtutuunan kami ng pansin, pinapagamit sa amin ang kanilang oras
para sa pag eensayo ngunit ngayon, dahil a kakulangan sa oras sa aming klase pa
lamang, kung kaya’t kailangan naming ng malawak na pag intindi sa aming mga
guro. Hindi nagging madali ang aking karanasan sa taong ito. Araw Araw ay
parang isang digmaan na kung saan kailangan mong lumaban dahil kapag sumuko ka,
ikaw ang matatalo o mamatay. Sobrang nakakapagod dahil bukod sa aming pag aaral
sa loob ng silid aralan, mayroon pa kaming sinalihang iba’t ibang organisayon o
kompetisyon. Sobrang nakakastress sa dami ng takdang aralin, proyekto na
kailangan ipasa sa tamang oras. Dagdag pa riyan ang alitan sa pagitan ng kamag
aral dahil sa iba’t ibang rason. Ganun pa man, sa pagtatapos ng oras sa isang
araw, nakatutuwang isipin na nakakayanan ng bawat isa ang pagsubok, na sa
kabila ng pagsubok nakangiti pa rin kaming lahat. Stress at pagod man araw
araw, nababaliwala ito sa tuwing nakikita ko ang aking grado. Sa taong ito,
muli nanaman akong nakaramdam ng pangalawang pamilya. Sa mga pagkakataon na
ilalaban ka sa ibang paaralan o sa mga kompetisyon na sinasalihan ko, buong
puso kong nararamdaman ang kanilang buong suporta at pagpupursige pa nila sa
akin. Sabi nga nila “Mahirap Mag aral pero mas mahirap pag walang pinag
aralan”. Anumang hirap at pagod ang aking dadanasain, lagi kong sinasapuso na
parte ito ng pagiging estudyante at kung wala akong haharaping pagsubok, hindi
ako matututo at makakaahon sa buhay.
Linggo, Marso 15, 2015
Repleksyon para sa ika-siyam linggo ng ikaapat na markahan
Ngayong linggong ito , natapos na naming ang
aming ikaapat na markahang pagsusulit subalit muli pa rin naming tinalakay ang
mga kabanatan o mga bagay tungkol kay Maria Clara. Hindi nagging madali ang
linggong ito dahil mayroong iba’t ibang pannaw ang bawat isa kung kayat sa
halos ilang katanungan n gaming guro ay mayroong iba’t ibang anggulo ng
kasagutan, halimbawa nalang ang katanungan na kung ikaw si Maria Clara
ipaglalaban mo ba ang iyong kasintahan o susunod na lamang sa utos ng iyong mga
magulang, bawat isa ay may ibat ibang sagot na talaga namang mayroong basehan
at totoong pwedeng mangyari sa kasalukuyan. Sa linggong ito din nabigyang linaw
aat katarungan ang katauhan ni Maria Clara sa Nobela , bawat pangkat ay
naatasang gumawa ng presentasyon upang sagutin ang mga katanungan na
pumapatungkol parin sa nasabing tauhan. Sa huling araw ng linggo, hindi ako
nakapasok sa kadahilanang pumunta kami sa bahay bakasyunan o kulungan sa
Antipolo upang magbigay ng saya sa mga bakasyonista o mga presong babae. Nakakalungkot
ang istorya ng bawat isa. Dito ko napagtanto na hindi lahat ng nasa lugar na
may rehas ay masasama bagkus sila ay mabubuti. Sila ay maaaring biktima lamang
ng pagkakataon kaya nila nagagawa ang mga maling bagay. Marami rin kaming
natutunan sa kanila, Hindi pa huli ang lahat para magbago.bawat pangyayari sa
ating buhay ay may rason, maaaring isa lamang itong pagsubok na ibinigay ng
panginoon upang hindi tayo tuluyang maligaw ng landas. Sa kabilang banda, ayon
sa aking mga kaklase,nagkaroon ng pangkatang gawain. Ang aming grupo ay
naatasang gumawa ng isang tula tungkol kay Maria Clara. Bilang patunay ito ang
aming litrato.
Sabado, Marso 7, 2015
Repleksyon para sa ikawalong linggo ng ikaapat na markahan
Ngayong lingo , unti nunti na naming
kinilala ang ibat ibang tauhan sa Noli Me Tangere , nang matapos kilalanin si Crisostomo Ibarra , binuklat
naman naming ang buhay ni Elias , Maria Clara at Sisa . Napakabuting Kaibigan
talaga ni Elias , sapagkat mas pinili niyang maging matalik na kaibigan ni
Elias kaysa maghiganti kay Ibarra , si Elias ang nagging sandalan , katulong at
karamay ni Ibarra sa pagtahak niya ng landas tungo sa pagbabago ng bayan ng San
Diego . Pagdating naman sa karanasan niya , hindi pala puro saya ang naranasan
ni Elias , bagkus marami rin siyang naranasang pagsubok . Napahirapan ang mga
magulang niya noon ng mga ninuno ni Ibarra kung kayat siya ay nagpa laboy laboy
at naging ama amahan niya si Kapitan Pablo , na mayroon din mapait na karanasan
sa mga kura. Si Maria Clara naman ay higit na mayaman kumpara kay Sisa , sa
kutis pa lamang makikita na natin ang kanilang pag kakaiba. Si Maria Clara ay galling
sa marangyang pamilya na tapat na mangingibig ni Ibarra sapagkat kahit
nagpakasal siya kay Linares , si Ibarra pa rin ang tunay na nilalaman ng
kanyang puso samantalang si Sisa naman ay mayroong hindi magandang buhay , siya
ay nakapang asawa ng malupit at walang paki alam sa kabila nito , mahal niya pa
rin nag kanyang asawa’t mga anak .
Sabado, Pebrero 28, 2015
Repleksyon para sa ikapitong linggo ng ikaapat na markahan
Ngayong
lingo , dalawang araw kami wala sa aming klase dahil sa naganap na
campaign ng SSG. Noong Miyerkules naman ay walang pasok dahil sa pagdaraos ng
anibersaryo ng People’s Power Revolution. Ayon sa aking mga kaklase , nagkaroon
ng Mock Trial na kung saan lilitisin si Ibarra , ito ay ginanapan ng aking mga
kaklase na kung saan may nagsilbing Ibarra , Elias , at mga abugado . Noong
Biyernes naman , nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa mga kaganapan sa buhay
ni Crisostomo Ibarra . Bilang takdang aralin, ibubuod naming ang mga kabanatang
may kaugnayan naman kay Elias.
Linggo, Pebrero 22, 2015
Repleksyon para sa ikaanim na linggo ng ikaapat na markahan
Ngayong linggo , unti unti na naming
naiintindihan ang naging buhay ni Crisostomo Ibarra sa loob ng Noli Me Tangere
, bawat pangkat ay naatasang suriin ang buhay pagibig , mga banta at suliranin
at kung sino ba si Crisostomo Ibarra bilang anak . Napagtanto ko na hindi pala
ganoon kadali ang dinanas ni Ibarra sa loob ng akda , marami pala syang
pagsubok na dinaanan na minsay nagiging dahilan ng kawalan ng kanyang pag asa
ngunit sa kabila nito , pinagpatuloy nya pa rin ang kanyang hangarin na
maipagtanggol ang kanyang bayan , kahit na noo’y dumating sa punto na hindi
siya tinutulungan ng kanyang bayan na makamtan ang pagbabago . Isa pa sa mga
pumukaw sa aking damdamin , ay ang eksena ni Elias at Ibarra , na kung saan
sinubok ang kanilang pagmamahal at pagiging matatag na magkaibigan , kahit na
nalaman ni Elias na may kinalaman ang nuno ni ni Ibarra sa pagkamatay ng
kanyang mga magulang , hindi pa rin ito naging balakid para mabuwag ang
kanilang pagkakaibigan bagkus mas naging matatag silla sa kabila ng maraming
pagsubok na dumating .
Linggo, Pebrero 15, 2015
Repleksyon para sa ikalimang linggo ng ikaapat na markahan
Umiikot ang buong linggong ito sa
pagtatalakay ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Bawat pangkat ay naatasang
mag ulat ng mga kabanatang nakaatas. Sa una , mahirap intindihin sapagkat
napakaraming malalalim na salita lalo na sa mga pahayag ni Pilosopong Tasyo .
Naging malikhain naman ang bawat pangkat sa pag uulat . Bilang gawain ,
inatasan kami ng aming guro na itala lahat ng mahahalagang pangyayari na may
kinalaman kay Crisostomo Ibarra at kung bakit ito mahalaga. Sadyang
nakakamangha talaga ang may akda ng Noli Me Tangere dahil nabigyan nya ng
hustisya ang bawat tauhan .
Biyernes, Pebrero 6, 2015
Repleksyon Para sa Linggong Ito :)
Ngayong Linggo , tinalakay namin ang Noli
Me Tangere. Bilang panimula , nagsagawa kami ng “Parade of Characters” na kung
saan ang bawat pangkat ay gaganap ng iba’t ibang tauhan sa Noli Me Tangere . Bawat
Miyembro ng pangkat ay nagpakita ng kanilang husay sa pag arte ng kanilang
dapat na ganapan. Kasabay nito ang muli naming pagtalakay sa bawat tauhan ng
nasabing akda . Ngayong Linggong din ito , unti unti na naming pinag aaralan
ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere . Bawat Pangkat ay inatasan ng aming guro
na iulat ang bawat kabanata ng akda . Sa Pangunguna ng Pangkat isa , marami na
akong nalaman tungkol kay Crisostomo Ibarra . Tulad ng , ginamit nya ang
kaugaliang natutunan nya sa ibang bansa sa pagbalik nya sa bayang sinilangan
lalo na sa pagpapakilala ng kanyang sarili. Dagdag pa riyan nang bumalik si
Ibarra sa bayan ng San Diego napagtanto nya na wala pa rin itong pagbabago
simula noong pag alis nya dahil ang Rehas na iniwanan nyang baluktot ay ganoon
pa rin sa kanyang pagbalik.
Linggo, Pebrero 1, 2015
Repleksyon para sa Ikatlong Linggo ng Ikaapat na Markahan
Nahuli nanaman ako ng pagpaskil ng aking repleksyon dahil nagkaroon ako
ng karamdaman sa mata kaya hindi ko na
nakayanang humarap sa kompyuter . Ganun
pa man , gusto ko pa ring isalaysay ang aking mga karanasan ngayong linggo. Simula na ng Ikaapat na markahan ,
ang huling markahan namin sa grade 9 . Hindi ako nakapasok noong martes dahil nga sa aking mata .
Sa buong taon ng aking pag aaral sa
grade 9 , noong araw lang ako lumiban sa klase . Kaya naman hindi ako mapakali
sa aming tahanan , text ako ng text sa aking mga kama aral tungkol sa kanilang
mga ginawa at takdang aralin . Ngayong Linggo , wala si Ginang Mix to dahil
nasa laban sa ng Regional School Press Conference (RSPC) kaya bilang kapalit ,
si Ginoong Mixto ang nagtuo sa amin sa loob n ilang araw . Pinag aaralan namin
ang mga Tauhan n Noli Me Tangere . Ang inaakala kong simpleng Nobela , marami
palang tinataong kahulugan . Nakakamangha talaga ang ating pambansang bayani .
Napakatalino nya , nagawa nyang gumawa
ng Nobelang may pagkakatulad sa kanyang katangian sa ibat ibang katauhan .
Halimbawa nito ay si Crisostomo Ibarra , dahil pareho nilang ipinaglalaban ang
kalayaan . Kalakip nito ang maikling pagsasanay tungkol sa mga tauhan ng Noli Me Tangere. Excuse naman kami
ng mga kapwa ko babaeng iskawt noong Biyernes dahil sa Camping sa Boso Boso.
Napakasaya at di malilimutang karanasan . Mas malamig sa lugar na iyon kaysa sa
aming Lugar.
Repleksyon sa Ikalawang Linggo ng Ikaapat na Markahan
“Huli man at magaling
, naihahabol pa rin” . Magandang araw aking mambabasa ! Nahuli ako ng pagpaskil
sa aking blog dahil wala na akong oras magkompyuter sa dami ng akiing gawaing
bahay at pampaaralan. Noong ikalawang linggo ng aming ikaapat na markahan,
tinalakay namin ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere . Napakarami palang nagin dahilan kung bakit
ito naiisulat n ating pambansang bayani . halimbawa nito ay : Pagkalugi ng Galleon Trade.Pangatlo ay Pagkakahiwalay ng mga kalapit na bansa.at Kawalan
ng matatag na pamahalaan.
Kasabay nito ang pagtalakay namin sa mga akda patungkol kay Jose Rizal .
Napag alaman ko na bata pa lamang si
Rizal ay kinakikitaan na sya ng
kakaibang talino ng kanyang Ina . Kapansin pansin sa bawat akda na sya ay lubos
na mapangmantiyag kung kayat bata pa
lamang ay mulat na ang kanyang isipan sa
mga bagay na hindi pa dapat iniisip ng mga bata . Inatasan din kami ng aming
guro na panuorin ang palabas na tungkol kay Rizal . Nang akin
itong mapanuod , nag karoon ako ng
dagdag kaalaman , lalo na sa mga
nangyari noong unang panahon .
Martes, Enero 20, 2015
Repleksyon Para sa Ikasiyam na Linggo
Higit na nakakapagod ang linggong
ito kaysa noong nakaraan. Napakarami kasi naming inasikaso pagkatapos ng
ikatlong markahang pagsusulit. Inatasan kami ng aming mga guro na ayusin at
ipasa ang mga dapat ipasa gaya ng kwaderno , Portfolio at iba’t ibang proyekto.
Napagtanto ko na napakahirap pala talagang mag aral ngunit mas mahirap kung
wala kang pinag aralan. Kailangan ng sipag at tiyaga upang magtagumpay sa huli.
Para naman sa Asignaturang Filipino , bilang panimula , ipinaalam ni Ginang
Mixto sa amin ang aming mga pag aaralan sa loob ng ikaapat na markahan . ito ay
tungkol sa Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal . Masaya kaming
nalaman ito sapagkat magiging malawak na din an gaming kaalaman tungkol sa
ating pambansang bayani ganun din sa kanyang mga isinulat . Kalakip nito ang
paunang pagsusulit upang masukat an gaming mga nalalaman tungkol sa Noli Me
Tangere . Para sa aming Produkto , gagawa kami ng Trailer at ShortFilm tungkol
sa kabanata 7, 34, 54 at 60. Sa linggo din na ito dumating ang ating Santo Papa
na si Pope Francis . Hindi man ako nakapunta ng personal sa kanya , damang dama
ko naman ang kanyang mga mensahe kahit sa Telebisyon lamang . Nakakatuwang
isipin na sa kabila ng malakas na ulan , pinagpatuloy pa din ni Pope Francis
ang kanyang misyon sa ating bansa habang maraming pilipino din naman ang
sinuong ang ulan para lamang makita siya at mapakinggan ang kanyang mga aral .
#BlessedByThePope<3
#PopeFrancis<3
Biyernes, Enero 9, 2015
Repleksyon Para sa Ikawalong linggo :)
Sa Isang linngo naging pagkikita , marami
tayong mga natalakay. Pinag-aralan natin ang tungkol sa :
“Pagpapasidhi ng Damdamin”
ð ito ay tumutukoy sa antas, lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod
ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin
. Halimbawa nito ay : Nagiinit , Nag-aapoy ,Naglalagablab.
“Sanaysay”
ð ito ay isang salaysay ng
isang sanay ayon kay Alejandro Abadilla.
ð Tuluyang kathaing
naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag ,
maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.
ð Naiiba sa kathang Agham
dahil ang ito ay may basehan at mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay
kaysa kathang agham.
ð Nagsasalaysay ng
pangyayari .
ð Nagiging talumpati ang
sanaysay kapag binabasa na ng mambabasa .
“3 Elemento ng Sanaysay”
·
Paksa => Sentro ng ideya ng buong akda.
·
Tono => Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan,
nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa.
·
Kaisipan => mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.
“4 na uri ng Teksto”
·
Narativ o nagsasalaysay
·
Informativ o nagbibigay impormasyon
·
Persuasive o nanghihikayat
·
Argumentative o nagbibigay ng argumento
“Pamaksang Pangungusap”
Ø
Tinatawag na pangunahing ideya.
Ø
Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Ø
Ang pangungusap na ito ay maaaring matagpuan sa unahan
, gitna , at sa huling talata.
Ø
Tumutukoy kung ano ang pinaguusapan sa buong talata.
Halimbawa:
·
Ang lahat ng malalayang bansa sa mundong ito ay may
apat na magkakatulad na bagay.
“Pantulong na Pangungusap”
Ø
Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng
pamaksang pangungusap.
Halimbawa:
·
Ang mga sagisag nito ay isang pambansang pamahalaan , watawat
, awit , at isang pambansang wika.
Paraan ng pagbuo ng Pantulong na
pangungusap:
= Paggamit ng impormasyong
maaaring mapatotohanan.
= Paggamit ng estadistika
o survey.
= Paggamit ng halimbawa.
At bilang paghahanda sa ating ikatlong markahang pagsusulit
, nagkaroon din tayo ng mahabang pagsasanay tungkol sa ating mga napag aralan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)