Sa huling linggo ng talakayan bago magbakasyon , sinamahan tayo ni Bb.
Basbas sa silid-aralan. Sinariwa natin ang ideya ng : Ang dalit kay maria at
ang Elehiya sa kamatayan ng aking Kuya . Binasa at pinag aralan din natin ang
akdang Kung tuyao na ang luha mo aking bayan ni Amado Hernandez http://www.bulatlat.com/news/2-44/2-44-amado.html
Ito ay tungkol sa karanasan ng ating
bayan sa mga taong nakapaligid sa kanya . Pinag aralan din natin ang
pagpapasidhi ng damdamin , ito ay sinasagawa o inaayos pababa pataas o sa madaling salita mahina papalakas
. halimbawa nito ay Galit, Poot , suklam at kalakip nito ang ilang pagsasanay.
Linggo, Disyembre 28, 2014
Lunes, Disyembre 15, 2014
Repleksyon para sa ikaanim na Linggo
Ngayong Linggong ito , wala kaming masyadong ginawa dahil sa maraming
dahilan . Sa unang araw , walang pasok dahil sa Antipolo Day , sa ikalawang
araw naman , wala ring pasok dahil sa
lakas ng bagyong Ruby. Sa ikatlong araw , ang mga manunulat sa dyaryo ng
paaralan ay naatasang tapusin ang bawat artikulo sapagkat pasahan na ng Dyaryo.
Sa ikaapat na araw naman , wala pa rin si Ginang Mixto dahil inaasikaso nya ang
Dyaryo sa Filipino . Bilang Gawain , Inatasan kami ni Ginoong Mixto na Kopyahin
sa isang buong papel ang ilan sa mga akda at mga pagsasanay na aming
tatalakayin . Sa Huling araw ng linggo , kami ay nasa Bahay Kalinga para
bigyang handog ang mga batang nasa loob ng bahay Pag-asa . Pero nabanggit sa
akin ng aking kamag aral ang mga napagaralan nila. Tinalakay nila ang mga
akdang Elehiya para sa kamatayan ni Kuya , Ang Dalit kay Maria at kung tuyo na
ang luha mo aking bayan. Kasunod nito ang pagtatalakay nila sa Pagkakaiba ng
Elehiya , Dalit at Oda. Ang Elehiya ay
isang tulang Liriko na may karaniwang lungkot at pagdadalamhati , Ang Dalit
naman ay isang katutubong anyo ng tula na may walong pantig bawat
taludtod.Habang ang Oda ay tuang madamdamin na nagpaparangal sa isang dakilang
gawain ng tao .
Linggo, Disyembre 7, 2014
Aralin 3 :)
Sa linggong ito , nagsimula na an gating talakayan
sa Aralin 3 . Bilang panimula , nagparinig si Ginang Mixto ng isang mensahe ng
anak sa kanyang mga magulang . Naging Emosynal ang ilan sa atin , marahil dahil
naaalala nila ang mga mahal nila sa buhay partikular na ang gating mga dakilang
magulang. Bilang Gawain , nagbigay ng ilang mga katanungan si Ginang Mixto na
ating dapat sagutin sa kalahating bahagi ng papel pahalang. Ilan sa mga katanungan
na nakapalob dito ay “Ano ang mga hakbang na gagawin natin sa oras na mawala
ang mga mahal natin sa buhay . Naging Emosyonal din ako sap ag sagot sapagkat ,
hindi man natin kagustuhan na mawala sila , darating at darating talaga yung
mga pagkakataon na iyon . At sa mga oras na iyon , namutawi sa aking puso ang
pagmamahal ko sa aking mga magulang . Ang aralin 3 ay nakapokus sa Elehiya .
Elehiya :
ð Ang
Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni
na nagpapakita ng masidhi ng damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
Katangian ng
Elehiya :
·
Tula ito ng pananangis , alaala
at pagpaparangal ng mahal sa buhay .
·
Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni
at dakila .
Halimbawa ng Elehiya :
http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html
Miyerkules, Nobyembre 26, 2014
Aralin 2
Talinghaga :
ð Mga
salita, parirala o pangungusap na may malalim na kahulugan . Kailangang
pagisipang mabuti upang maunawaan. Nabibilang ditto ang mga tayutay , idyoma, at parabula.
Ano nga ba ang Idyoma ?
ð Ang
idyoma ay mga salitang may malalim na kahulugan , ito ay madalas na maririnig
sa mga matatanda .
Halimbawa ng mga Idyoma :
·
Anak Pawis – Manggagawa
·
Isulat sa tubig – Kalimutan
·
Haligi ng tahanan – ama
·
Kabiyak ng dibdib – asawa
·
Balat sibuyas – maramdamin
Ang nga ba ang Parabula ?
ð Ito
ay mula sa salitang griyego na “parabole” na nangangahulugang dalawang bagay na
maaaring tao , bagay , hayop, lugar o pangyayari. Ito ay makatotohanang
pangyayari na naganap noong panahon ni Jesus .
ð Ito
rin ay nagtuturo sa atin upang gawin natin ang karapat dapat na kilos sa bawat
sitwasyon.
Katangian ng Parabula
·
Isang maikling kwento na
naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan ; ito’y payak na salaysay.
·
Tinutukoy nito nito ang
tagpuan, inilalarawan ang aksyon at ipinakikita ang resulta.
·
Kadalasan ang parabola ay
tungkol sa isang tauhang gumawa ng isang maling desisyon na humaharap sa isang
suliraning moral o kaya isang tauhang gumawa at nagdurusa sa mga hindi
inaasahang resulta.
·
May malalim na kahulugan
·
Gumagamit ng mga wikang
metaporikal
·
Nakapaloob ang mahihirap at
komplikadong kaisipan
Halimbawa :
Ang Talinghaga
Patungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan.
Mateo
20:1-16
1Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang may-ari
ng sambahayan na lumabas nang maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa sa
kaniyang ubasan. 2Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa
sa isang denaryo sa bawat araw, sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan.
3Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na at nakita niya ang iba
na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.4Sinabi niya sa
kanila: Pumunta rin naman kayo sa ubasan at kung ano ang nararapat, ibibigay ko
sa inyo. Pumunta nga sila.
5Lumabas siyang muli nang mag-iikaanim at mag-iikasiyam na ang
oras at gayundin ang ginawa. 6Nang mag-ikalabing-isang oras na,
lumabas siya at natagpuan ang iba na nakatayo at walang ginagawa. Sinabi niya
sa kanila: Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7Sinabi nila sa kaniya: Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa
amin.
Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan. Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.
Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan. Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.
8Nang magtatakip-silim na, sinabi ng panginoon ng ubasan sa
kaniyang katiwala: Tawagin mo ang mga manggagawa. Ibigay mo sa kanila ang
kanilang mga upa, mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9Paglapit ng mga dumating ng mag-iikalabing-isang oras, tumanggap
ng isang denaryo ang bawat isa. 10Nang lumapit ang mga nauna,
inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa. Ngunit sila ay tumanggap din ng
tig-iisang denaryo.11Nang matanggap na nila ito, nagbulung-bulungan
sila laban sa may-ari ng sambahayan. 12Sinabi nila: Ang mga
huling ito ay isang oras lamang gumawa at ipinantay mo sa amin na nagbata ng
hirap at init sa maghapon.
13Sumagot siya sa isa sa kanila: Kaibigan, wala akong ginawang
kamalian sa iyo. Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin sa isang denaryo? 14Kunin
mo ang ganang sa iyo at lumakad ka na. Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng
ibinigay ko sa iyo. 15Hindi ba nararapat lamang na gawin ko ang
ibig kong gawin sa aking ari-arian? Tinitingnan ba ninyo ako nang masama dahil
ako ay mabuti?
16Kaya nga, ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli
sapagkat marami ang mga tinawag ngunit kakaunti ang mga pinili.
Galing sa : https://biblesharingonline.wordpress.com/2011/08/18/ang-talinghaga-patungkol-sa-mga-manggagawa-sa-ubasan-ang-ating-ebanghelyo-para-sa-agosto-17-2011/
* “Ito ang dahilan kung bakit
nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga parabula ; kahit nakakakita ,
di nila nakikita, kahit naririnig , di nila naririnig o nauunawaan.”
Paliwanag
:
Ang parabulang ito ay sinambit ni Hesus. Ito
ay tungkol sa mga taong gusto lamang gawin ang kanyang mga gusto kaysa sa tama
. Halimbawa , may mga simbahan nga tayong nakikita ngunit may ibang hindi
pumapasok , mga mga bibliya nga tayo , ngunit ang iba ay hindi binabasa at
sinasapuso dahil nakadepende lamang tayo sa ating mga ninanais.
Sabado, Nobyembre 22, 2014
Repleksyon
Ngayong Linggong ito , tinalakay muli natin
ang tungkol sa paghahambing . Binigyan din tayo ni Ginang Mixto ng Pagsasanay.
Binalikan din natin ang tungkol sa Rama at Sita. Pinaalala ni Ginang Mixto an
gating Movie Trailer , at bilang dagdag sa ating Produkto , pinaalala nya sa
ain ang tungkol sa Informance na kung saan pipili tayo ng epiko sa asya at atin
itong gagayahain. At pinaalala din ni Ginang Mixto an gating Takdang Aralin ,
ang Ilustrado. Ang buhay ni Pepe na gagawan natin ng Buod at Repleksyon.
Sabado, Nobyembre 15, 2014
Paghahambing :)
AngPaghahambingoKomparatiboay
ginagamitsapaghahambing o pagkukumpara ng isangtao, bagay, hayoy, lugar,
pangyayari at iba pa.
1.)
AngPaghahambing ng magkatulad
ð
Ginagamititokungangpinaghahambing
ay may patasnakatangian. Ginagamitan ng mgapanlapingKa,magka, sing, kasing ,
magsing, magkasing, at mgasalitangparis,wangis,kawangis,gaya,tulad,hawig o
kahawig, mistula , muka o kamuka.
Halimbawa:
·
Magkasingtangkadlangpalasi
Lina at Lino .
2.)
AngPaghahambingna di-magkatulad
ð Ginagamitkungnagbibigayito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi, pagsalungatsapinatutunayangpangungusap.
ð May tatlongurianghambinganna di-magkatulad.
A.) HambingangPasahol
:
ð May mahigitnakatangianangpinaghahambing.
ð Ginagamitanglalo, di-gasino,di-gaano, at di totoo.
HaLimbawa :
·
Di-gaanongmagalingmamunosi Gloria
Arroyo kaysakay Corazon Aquino.
B.) HambingangPalamang
:
ð May mahigitnainihahambingsabagaynapinaghahambingan.
ð Ginagamitan ngLalo ,higit o mas , kaysa o kay, bilis,
di hamak.
Halimbawa :
·
HigitnamaputiangkutisniMykakumparakay
Lisa.
C.)
Modernisasyon o Katamtaman
ð Naipapakitaitosapaguulit ng pang-uring may panlapingma,
sapaggamit ng salitangmedyonasinusundan ng pang uringnabuosapamamagitan
ng panlapingkabilangka-han.
Halimbawa :
·
Medyomasipagsi Queenie kaysa kay
Aljon.
-
Napakahalagang malaman
natin ang paghahambing at mga uri nito sapagkat araw araw tayong naghahambing
ng ibat ibang Pook , bagay , hayop , lugar , tao at iba pa . Sa pamamagitan din
nito , naipapahayag natin ng malinaw ang nais nating ipahayag sa pangungusap.
Movie Trailer :)
Noong Ika-5 ng Nobyembre , bago tayo
magsimula sa ating aralin tinalakay natin ang Paggawa ng movie trailer sa
tulong ni Ginang Mixto.
Ano ng ba ang Trailer ?
ð Ang trailer ay isang Konsepto ng isang pelikula
, Ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa pagkakabuo ng istorya ng isang
pelikula na kung saan hindi buong nilalahad ang lahat ng pangyayari sa isang
palikula .
Elemento ng trailer
·
Istorya
:
ð
Tumutukoy
sa konsepto ng trailer .
·
Story
Board:
ð
Guhit
o sketch ng bawat eksena.
·
Direktor
:
ð
Nakasalalay
sa kanya ang pagiging malikhain ng pelikula sapagkat siya ang nagdedsisyon at
nagpaplano sa magiging kabuuan ng pelikula.
·
Sinematograpiya
o ang larawang anyo ng pelikula:
ð
Tumutukoy
sa kung paano mo maipapakita ang eksena sa pelikula. Kailangan naayon sa lugar
ang bawat eksena .
·
Disenyong
Set :
ð
Mga
ginagamit na tagpuan sa pelikula.
·
Bisa
ng tunog
ð
Bahaging
naglalapat ng musika sa plikula.
·
Camera
Operator :
ð
Tagakuha
ng eksena o aktwal na eksena o shooting sa pelikula.
·
Sound
Men:
ð
Tagarecord
ng diyalogo sa bawat eksena. Siya ang naghahanda ng mga tunog o musikang
kailangan.
Mga hakbang sa paggawa ng TV/Movie trailer
1.)
Pagbuo
ng konsepto.
2.)
Pagpili
ng mga artistang gaganap.
3.)
Ayusin
ang magiging Kondisyon.
4.)
Likumin
ang lahat ng mga kagamitan at subukin kung ito’y tamang kondisyon.
5.)
Kunan
ang mga Senaryo.
-Pamagat
-Tunog
-Story
Board
-Wakas
Sabado, Nobyembre 8, 2014
Epiko
Noong ika-6 ng Nobyembre,
tinalakay namin ang tungkol sa EPIKO.
Ang Epiko ay isang tulang pasalaysay na tumatalakay sa kwento
ng bayani na nakikipaglaban at kanyang mga karanasan . Bayani ang Karaniwang
mga tauhan dito.
HaLimbawa nito ay ang
kwentong Rama at Sita .
Ito ay tungkol sa
kabayanihan ni Rama upang mailigtas ang kanyang asawa kasama nya si Lakshamanan
sa kanyang pakikipagsapalaran kay Ravana. Sa kwentong ito , pinakita ni Rama at
Sita na tunay ang kanilang pagmamahalan dahil kahit ano man ang pagsubog na
dumating sa kanilang buhay , hindi parin sila sumuko at hindi parin iyon naging
daan ng kanilang paghihiwalay , bagkus ito pa ang naging susi upang tumatag ang
kanilang pagmamahalan sa bawat isa.
Ang Kwentong Ito ay
kabanata lamang ng Pinakamahabang Epiko sa buong mundo na ang “RAMAYANA AT MAHABARATAH”
ang Ramayana ay binubuo ng 24.000 Sanskrit at ang Mahabaratah ay binubuo naman
ng 100.000 Sanskrit . Ang sanskrit ay katumbas nadin ng Chapter.
Bansang India
·
“Mother
Theresa “ => Isa sa kanilang relihiyosang mga
santo.
·
Taj
Mahal => Gusaling tanyag sa kanilang Lugar .
·
Namaste
=> Salitang ginagamit sa pagbati nila.
·
Hindi sila kasama sa U.N kaya
nakakakuha sila ng ideya o nangongopya sila ng mga produkto sa ibang bansa.
·
Mahalaga ang mga hayop sa
kanila , Hindi nila pinapatay o sinasaktan ang mga ito , maging ang ipis , daga
at unggoy sapagkat naniniwala sila na kapag namamatay ang kanilang mahal sa buhay , sa
hayop ito sumasanib .
·
Mabaho sa kanilang Lugar dahil
sa bihira lang silang maligo at sa amoy ng pakalat kalat na hayop.
Linggo, Oktubre 26, 2014
Paglalarawan sa kaibigan :)
Iba ka sa lahat
“Ang tunay na
kaibigan ay lagi kang dadamayan sa kabila ng marami mong kahinaan”. Linyang
tumutukoy at naglalarawan sa aking kaibigan at linyang nagpapatunay na iba siya
sa lahat ng aking nakilala. Sino ng ba siya ?
Si Carl Aerial
Tamparia….. katabi ko at kaibigan ko pa sa loob at labas ng silid-aralan. Si
Carl ay masasabi kong iba talaga sa lahat dahil siya yung tipo ng taong prangka
magsalita sapagkat ayaw niyang ang ibang tao pa ang makakapansin ng mali mo.
Siya ay maasahan hindi lang sa problema maging sa tawanan ng aming samahan,
ayan si Carl. Si Carl na may maitim mang kulay ngunit taglay niya ang kaputian
sa panloob na nararamdaman. Laging bukas ang kanyang puso upang tumulong at
samahan ka sa lahat ng iyong pinagdaraanan. Grabe man kung mambara sa oras ng
inyong usapan , lagi namang nandyan upang pagaanin ang iyong mabigat na
kalooban.
“Walang tao ang
kayang mabuhay ng mag isa” Kaya para sa akin , lahat tayo ay may karapatang
makahanap at magkaroon ng taong dadamay sa atin ano man ang mangyari…..Ang
ating mga kaibigan… si Carl….
Miyerkules, Oktubre 22, 2014
Kahulugan at Elemento ng DuLa :)
·
Ang dula ay
isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita,
kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
Elemento J
Iskrip o nakasulat na dula
± ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
Gumaganapo aktor
± ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; silaang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba¶t ibang damdamin; sila ang pinanonoodna tauhan sa dula
Tanghalan
± anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag
natanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silidna
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor
± ang direktor ang
nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpretsa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraanng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood
± hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal
kung hindi ito napanoodng ibang tao; hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula¶y maitanghal; atkapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoo
Kohesiyong Gramatikal :)
Anapora, Katapora
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang texto o pahayag.
Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.
1. Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
2. Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasya
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang texto o pahayag.
Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.
1. Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
2. Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasya
katutubong Kulay na akda na ginamitan ng Pampalawak ng pangungusap :)
Niyebeng Itim
ni Liu HengIsinalin sa
Filipino ni Galileo S. Zafra
Paparating na ang
bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo
Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo
pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang
apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang
klerk. “Kinse?”“Kinse nga.” “Hindi kami siguradong maganda pa rin ang
litrato kapag ganoon karami.” “Gusto ko sabi ng kinse!”May pagkainis na sa
kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na
suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik
pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang
ganito. Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa
nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at
lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang
litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang
magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang
may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang
inaasahan. Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig
ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya
kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo. Dinala siya ni Tiya Luo sa
komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t
ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng
lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa
lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya
Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para
sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan
kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.
Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita;
mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang
kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga
mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangangpalakasin niya ang
kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang
kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila,
hindi ba? Bahala na. Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno,
nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li.
Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan
kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang
matatabang sumo wrestler ng Hapon. “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li
sa lahat ng tulong niya?”Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan
niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya,
inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa
kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit
halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung
anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang
pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. “Ito ba siya?”
tanong ng matabang mama kay Tiya Luo. “Mabait siyang bata, tulad ng sabi
ko. Tingnan mo’t namumula na siya.”Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin
kay Huiquan. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong
maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?” “Dahil … dahil kailangan
ko ng trabaho?” “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng
mataba. “Dahil isa akong ulila?” “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak
kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka na.
Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa
iyo.” “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.” Isa na naman
sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin
kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saan man
siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat
gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.
Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga
babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian,
walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa
kaniya at tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang
buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba.
Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga,
umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag, Maraming taon nanaman niyang ginagawa
ito. Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni
Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo. “Halos Bagong Taon na.
Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.” “Salamat, pero maayos na
po ako…” “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya,
ipapangalandakan niya -- negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan
niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay
mo.” “Sige po.” “Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong
Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.” “Huwag kayong
mag-alala.” “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok –
kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan
kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na.
Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?” “Kayo ang
masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na
ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na
tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga
nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan
siya dahil wala na itong atrasan. Isa o dalawang araw bago ang Bagong
Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasaksyan sa
East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero
napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas- kahit
paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang
gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan,
ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa
lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan
ay nagsisimula sa apat na raan, wala naming ipinagbibiling umaandar pang
segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa
kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda
siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman
presentable. “Gusto mo nito? Para saan?”Lumapit ang klerk sa
kaniya.“Kariton para sa mga damit.”“Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste
ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero
para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan
sa pag-aayos nito, at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”“Bakit
di-gumagalaw?”“Matigas ang preno. Aayusin ko.”Ibinigay ni Huiquan ang pera, at
kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi,
at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan,
naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga
tingin sa kanya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa
labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong
East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng
bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng
tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng
manok at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at
madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang
hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan,
ang kanyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.Inimbitahan siya ni
Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang
naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong
manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng
palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang
berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno
ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang
kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan.
Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng
magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.Bumalik si Tiya Luo para imbitahan
siyang manood ng TV – nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa.
Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang
paglalagare.“Marami pa po akong gagawin.” “Hindi makapaghihintay kahit
pagkatapos ng Bagong Taon.”“Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...”“Marami
namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong
Taon pa naman.” Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang
ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni
Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng
manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang
pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang
plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa
mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod
ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon,
mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito
? Ano ang ipinagsasaya nila?Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung
buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na
pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang
Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan,
hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol
niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito
ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa
pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya
dahil sa alak.Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang
hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may
mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng
kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog
na di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood
na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura
nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa
kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing.
Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring
nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi
pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang
kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen
na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon,
kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga
imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya
mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang
kahinaan. Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding --
dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos
iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang
napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan
na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya
ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala
ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim. Sa
sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa,
ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming
mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng
irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay
ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang
pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang
pagkahumaling. Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at
wala siyang lakas para labanan ito.Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok.
Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mg
tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago
magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya.
Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa
kaniyang pagmamahal.Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi
ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya.
Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa
kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang
tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki,
na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo.Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan,
sabay silang nagelementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na
siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit
Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang
tadhana.Hinahamak siyang lagi ng tadhana. Sa unang araw ng bagong taon,
pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon
para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta
siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa
ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya. Walang
magagawa hanggang sa araw na ito.Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at
ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng
mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”.
Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging.
Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging
madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman
ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang
muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang
basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko
at maputla. Saging pa. Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor.
Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya ? Ano ang pagkakaiba ng
malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago.Ibinigay kay
Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga
numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng
tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi.
Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at
inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang
kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat
nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge
Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto. Wala
isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang
mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025.
Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang
yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na
may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang
matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.Napuno
ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang
kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang
isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga
kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda
lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung
piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan
ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli,
sais-beinte. Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa
kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan
mo na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap
ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol
siya.Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux
Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng
nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng
misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng
Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na
walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti –
ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari
siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.“Sapatos na tatak-Perfection mula
sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-perfection, gawa sa
Shenzen…” Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya
ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit
hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya
kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.“Mga blusang
Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !” Sa pagkakataong ito, napakasama
ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga
mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa
kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili.“Mga blusang Batwing! Seksi,
seksi, seksi, mga babae!” Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong
malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula
umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang
panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung
angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay
naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares
ng medyas at dalawang panyo. Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng
isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa
isang jaket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng
tindero na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon
mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na
tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para
sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At
siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na
mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.Siya ang
huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na,
kalahating oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan,
halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi.
Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki,
ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may
lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.“Medyas na nylon, pasara na !
Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang
medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …Dumaan ang kanilang sasakyan
sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu.
Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at
iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang
lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig –
isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi. Sa sumunod na
araw, nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw, wala siyang
naitinda. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng
tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na
kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing,
tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang
Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang
kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay
mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay
niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga
karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa
pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting
maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang
oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?
Nag-iisip si Huiquan.
ð
Ang Kwentong ito
ay isang halimbawa ng katutubong Kulay , na kung saan mas pinigyang pansin sa
akda ang kapaligiran at uri ng pamumuhay ng tauhan J Isa rin ito sa magandang halimbawa na ginamitan ng Pampalawak
ng pangungusap .
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)