Sabado, Nobyembre 15, 2014

Movie Trailer :)

Noong Ika-5 ng Nobyembre , bago tayo magsimula sa ating aralin tinalakay natin ang Paggawa ng movie trailer sa tulong ni Ginang Mixto.
Ano ng ba ang Trailer ?
ð  Ang trailer ay isang Konsepto ng isang pelikula , Ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa pagkakabuo ng istorya ng isang pelikula na kung saan hindi buong nilalahad ang lahat ng pangyayari sa isang palikula .
Elemento ng trailer
·         Istorya :
ð  Tumutukoy sa konsepto ng trailer .
·         Story Board:
ð  Guhit o sketch ng bawat eksena.
·         Direktor :
ð  Nakasalalay sa kanya ang pagiging malikhain ng pelikula sapagkat siya ang nagdedsisyon at nagpaplano sa magiging kabuuan ng pelikula.
·         Sinematograpiya o ang larawang anyo ng pelikula:
ð  Tumutukoy sa kung paano mo maipapakita ang eksena sa pelikula. Kailangan naayon sa lugar ang bawat eksena .
·         Disenyong Set :
ð  Mga ginagamit na tagpuan sa pelikula.
·         Bisa ng tunog
ð  Bahaging naglalapat ng musika sa plikula.
·         Camera Operator :
ð  Tagakuha ng eksena o aktwal na eksena o shooting sa pelikula.
·         Sound Men:
ð  Tagarecord ng diyalogo sa bawat eksena. Siya ang naghahanda ng mga tunog o musikang kailangan.

Mga hakbang sa paggawa ng TV/Movie trailer
1.)     Pagbuo ng konsepto.
2.)   Pagpili ng mga artistang gaganap.
3.)    Ayusin ang magiging Kondisyon.
4.)   Likumin ang lahat ng mga kagamitan at subukin kung ito’y tamang kondisyon.
5.)   Kunan ang mga Senaryo.
-Pamagat
-Tunog
-Story Board

-Wakas

1 komento: