Lunes, Hulyo 7, 2014
Bahagi ng Aralin 1.1 :)
Paksa: Pangatnig at Transitional Devices
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain - sumunod, pagkatapos, una, saka
at pati.
Hal. Unang dumating ang mga binata, sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang mga bata.
2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita,
sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Hal. Si Gng. Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at laging
Handang tumulong sa nangangailangan. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa mga mahihirap.
3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad
Hal. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista, tulad ng Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.
4. Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa, anupat
Hal. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at pagpapaganda ng pamayanan.
5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa aking palagay/
opinyon, bagaman, subalit
Hal. Sa aking palagay, makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag-aral akong mabuti kagabi.
6. Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba pa.
Hal. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang magagandang kulturang minana natin sa ating mga ninuno.
7. Pananhi - kaya, dahil sa, sapagkat
Hal. Dahil sa sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin.
-Lubos na nakatutulong ang Transitional Devices at mga pangatnig sa Pagsasalaysay, dahil ito ay nagbibigay linaw sa kahulugan ng pangungusap . Ito rin ay nakatutulong upang malaman natin ang pagkakasunod sunod ng pangyayari.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento