=> Ay isang masining na Anyo ng Panitikan na nagsasalaysay ng isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan .
Uri ng MaikLing Kwento :
1.) Kwentong Nagsasalaysay: Ang uring ito ay walang katangiang nangingibabaw , timbang na timbang ang mga bahagi , hindi nagmamalabis bagama't masaklaw, maluwang ang pagsasalaysay bagama't hindi apurahan.
2.) Kwentong Makabanghay: Kapag ang Pagkakabuo ng Pangyayari ay Mahalaga . Mas nangingibabaw ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3.) Kwento ng Tauhan : Mas binibigyang pansin o diin ang Kwento ng tauhan . Sa madaling sabi , ang kwento ay umiikot sa Karanasan ng Tauhan .
4.) Kwento ng Katutubong Kulay : Binibigyang pansin sa kwentong ito , ang kapaligiran , pananamit ng tauhan o hanapbuhay sa nasabing lugar .
5.) Kwento ng Madulang Pangyayari : Binibigyang Pansin sa kwentong ito ang kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o makapagbago ng tauhan.
6.) Kwento ng Pakikipagsapalaran : Nakabatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng tauhan .
7.)Kwento ng Kababalaghan: Ito ay ang mga kwentong Hindi kapani paniwala, kataka taka at taliwas sa totoong pangyayari.
8.) Kwento ng Katatakutan : Ang mga kwentong ito at Kasindak-sindak at karaniwang pumupukaw sa damdamin ng mga mambabasa .
9.) Kwento ng Katatawanan: Nagbibigay aliw at kasiyahan sa mga mambabasa .
10.)Kwento ng Pag-ibig : Ang diwa ng kwento ay tungkol sa pag ibig .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento