PAKA: Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon
ay nag-sasaad kung kailan naganap o magagagnap ang kilos na taglay ng pandiwa.
PAMANAHONG MAY PANANDA
Ginagamit ang mga panandang nang,
mula, umpisa at hanggang
Mga
Halimbawa:
1. Ipinasya ni Prahnbun na hulihin ang
prinsesa nang araw ding iyon.
2. Sa araw naglalaro sa sapa ang Kinaree.
3. Noong gabing iyon, nakita ng mangingisda ang bilog na buwan.
4. Kung araw ng paliligo, inaalis ng mga Kinaree ang kanilang mga
pakpak.
5. Hanggang ngayon, isinasalaysay pa rin ng mga Thai
ang alamat ni Prinsesa Manorah.
PAMANAHONG
WALANG PANANDA
Kabilang ang kahapon, kanina,
ngayon,
mamaya, bukas at sandali sa mga pang-abay na pamanahon na walang pananda.
Mga
halimbawa:
1. Ginanap kahapon ang kasal
nina
Prisepe
Sotun at Prinsesa Manorah.
2. Dadalaw bukas ang hari at
reyna sa bagong kasal.
3. Narito ngayon ang mga bisita
ng prinsepe at prinsesa.
4. Pupuntahan ni Prahnbun ang ermitanyo mamaya.
5. Hinuli ni Prahnbun ang ermitanyo kanina.
PAMANAHONG
NAGSASAAD NG DALAS
Kabilang dito ang araw-araw, linnggo - linggo, oras-oras,
gabi-gabi, taon-taon, atbp.
Mga
Halimbawa:
1.Nangangabayo
ang prinsepe sa
kagubatan araw-araw.
2.
Dinadalaw ng prinsepe ang prinsesa oras-oras.
3.
Dinadalaw ni Prinsesa Manorah
ang
kaniyang mga kapatid at magulang
buwan-buwan.
4. Nagsasagawa ng meditasyon ang ermitanyo gabi-gabi.
5. Lumuluwas ang magsasaka sa
bayan linggo-linggo.
=> Lubos na nakatutulong ang Pangabay na Pamanahon sa Alamat dahil isinasaad ng mga ito kung kailan naganap o magaganap ang isang pangyayari .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento