Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat gawin upang makasulat
ng magandang pabula.
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang
kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi
sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay
maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal
na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa
pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.
4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla.
Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa pamamagitan ng
paglalahad ng
kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga
tauhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento