Guro ko , Nanay ko J
TuLang Pagpapasalamat na isinulat ni : Sheena C. Perez
Para Kay : Ginang Liberty Bernadas <3
Maganda,mahinhin, mala labanos na
balat,mapagmahal at mabait. Nakilala ko ang gurong ito taong 2011 . Noong nasa
ikapitong baitang ako , Ewan ko ba ? napakasaya at lagi akong sabik sa tuwing
papasok sya sa aming silid aralan. Bukod kasi sa napakaganda nya, napakagaling
nya pa magturo at magpaliwanag.Simula noon naging paborito ko na sya ………. Si
maam Liberty Bernadas. Habang lumilipas ang panahon, tutungtong na ako sa
ikawalong baitang . Ano bayan hindi ko na makikita si Maam Libay L Lagi kong sambit . Ang
OA ko pa ? Ganoon ko kasi sya kapaborito . Yung Tipong kapag hindi ko lang sya
masilayan parang guguho na ang mundo ko .
Maituturing ko na pangalawa kong nanay si Maam Libay . Naaalala ko pa
dati , lagi nya kong binubuhat . Tapos
sa tuwing magkikita kami, niyayakap nya ko na parang miss na miss na di
alintana ang aking amoy at pawis . Nakakatuwa diba ? Kaya sobrang
nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil binigya nya ako ng isang bayani ,
guro at nanay na lagi kong karamay sa paaralan . Sa darating na araw ng mga
guro , gusto kong iparating sa lahat ng guro lalo na kay maam libay na
maligayang araw ng mga guro po . Salamat sa hindi malilimutang alaala at sa
hindi mapapantayang pagmamahal at pag aalaga. Sanay magustuhan mo po ang
munting sanaysay na galing sa puso J
Tunay ngang
napakapalad ng bawat mag aaral dahil sa mga magigiting na guro. Kaya sa
darating na araw ng mga guro , wag nating hayaang maging malungkot sila .
Bigyan sila ng munting regalo na galing sa puso Sa huling pagkakataon ,
Maligayang araw ng mga guro po Maam Libay. Salamat sa pagiging mabuting guro at
pangalawang nanay. Mahal po kita at Mabuhay ka J <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento