Martes, Setyembre 30, 2014

Aralin 2.3 :)

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng
Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.

Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.

Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.

Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.

Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.

Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigayproteksiyon

sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

- halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada




Konklusyon :

ð  Sadya ngang napakalaki na ng pagbabago na naganap sa pagtrato ng kababaihan . Kung noo wala silang halaga , ngayon marami nang programa na pumoprotekta sa karapatan ng bawat babae J

Pangkatang Gawain :)

Ika-30 ng Setyembre J

ð Bilang pagwawakas at pagbibigay ng Konklusyon sa ating aralin tungkol sa Kababaihan nagkaroon tayo ng Pangkatang Gawain . Ang aming Grupo ay naatasan na ilarawan ang pagbabagong naganap sa pagtrato sa mga kababaihan noon at ngayon J Nakakatuwa dahil unang beses naming makakuha ng Kabuuang Puntos ng pamantayan J




Aralin 2.3 :)

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina


Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan atpaggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unladng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.

Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

 (posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago) http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013


·         Nakakatuwang isipin na sa paglipas ng panahon , napakaraming magandang pagbabagong nagaganap sa pagtrato sa mga kababaihan , hindi lang sa bansang taiwan , maging sa ating sariling bansa .  Kung noon , hindi sila pinahahalagahan , ngayon nakatatanggap na sila ng pantay na pagtrato at nakakapag trabaho na sila hindi lang sa loob ng bahay kundi sa ibat ibang parte ng komunidad . Naging parte na sila ng ating lipunan at maging ng ating bansa . Kahit hindi pa ganap ang tunay na pantay na karapatan , may mga programa na nagsisilbing boses ng mga kababaihan upang makamit ang Paggalang at Pantay na pagtrato sa bawat isa .  J

Linggo, Setyembre 28, 2014

Munting Regalo para sa Guro ko :)



September 24, 2014 J
·         Ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang “World Teachers Month” Kaya bilang paghahanda, pinagawa kami ni Ginang Mixto ng munting Regalo sa aming mga guro , pwedeng Cards, Sulation, Bookmarks o iba pa na pwedeng ibigay sa kanila J MaLigayang araw at buwan ng mga Gurosa bawat Guro ng buong mundo <3






Sanaysay para sa Paborito kong Guro :)

Guro ko , Nanay ko J
TuLang Pagpapasalamat na isinulat ni : Sheena C. Perez
Para Kay : Ginang Liberty Bernadas <3

        









    Maganda,mahinhin, mala labanos na balat,mapagmahal at mabait. Nakilala ko ang gurong ito taong 2011 . Noong nasa ikapitong baitang ako , Ewan ko ba ? napakasaya at lagi akong sabik sa tuwing papasok sya sa aming silid aralan. Bukod kasi sa napakaganda nya, napakagaling nya pa magturo at magpaliwanag.Simula noon naging paborito ko na sya ………. Si maam Liberty Bernadas. Habang lumilipas ang panahon, tutungtong na ako sa ikawalong baitang . Ano bayan hindi ko na makikita si Maam Libay L Lagi kong sambit . Ang OA ko pa ? Ganoon ko kasi sya kapaborito . Yung Tipong kapag hindi ko lang sya masilayan parang guguho na ang mundo ko .
            Maituturing ko na pangalawa kong nanay si Maam Libay . Naaalala ko pa dati , lagi nya  kong binubuhat . Tapos sa tuwing magkikita kami, niyayakap nya ko na parang miss na miss na di alintana ang aking amoy at pawis . Nakakatuwa diba ? Kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil binigya nya ako ng isang bayani , guro at nanay na lagi kong karamay sa paaralan . Sa darating na araw ng mga guro , gusto kong iparating sa lahat ng guro lalo na kay maam libay na maligayang araw ng mga guro po . Salamat sa hindi malilimutang alaala at sa hindi mapapantayang pagmamahal at pag aalaga. Sanay magustuhan mo po ang munting sanaysay na galing sa puso J

           Tunay ngang napakapalad ng bawat mag aaral dahil sa mga magigiting na guro. Kaya sa darating na araw ng mga guro , wag nating hayaang maging malungkot sila . Bigyan sila ng munting regalo na galing sa puso Sa huling pagkakataon , Maligayang araw ng mga guro po Maam Libay. Salamat sa pagiging mabuting guro at pangalawang nanay. Mahal po kita at Mabuhay ka J <3

Sabado, Setyembre 20, 2014

Paksa: Pagsulat ng Pabula :)

                  
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat gawin upang makasulat ng magandang pabula.
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.
4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa pamamagitan ng paglalahad ng

kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.

Paksa : Modal :)

Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.

Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
                           Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto,
hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
        Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
 Mga Uri ng Modal
1. Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
      a. Puwede silang dumating mamaya.
      b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
      a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.

      b. Kailangan mag-aral kang mabuti.    

Halimbawa ng Pabula :)

Pabula: Ang Sutil na Palaka
http://64.19.142.10/upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e9/Litoria_phyllochroa.JPGIsinalin ni Teresita F. Laxima
Mula sa orihinal na ‘The Green Frog’ isang pabulang Koreano



Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na naninirahan sa isang lawa kasama ang inang palaka na isang biyuda.

May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa naman siya maglalaro. Kapag sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa kaliwa siya pupunta.

Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.

“Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” Himutok ng Inang Palaka.

“Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong mamatay? Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na nausal ng ina sa sarili.

Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka tungkol sa kabutihang-asal subalit patuloy na binabale-wala ng berdeng palaka ang pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa rin ang berdeng palaka sa pagiging sutil.

Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na mailibing siya nang maayos sa bundok. At dahil sa alam niya ang ugali ng berdeng palaka na kabaligtaran ng kaniyang bilin ang gagawin nito, pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin niya sa pagkausap dito. Hindi niya sinabi sa berdeng palaka ang totoong nais niyang mangyari. Sa halip, iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.

“Kapag namatay na ako, ilibinga mo ako sa sapa, huwag mo akong iibing sa bundok,” sunod-sunod na bilin ng ina sa berdeng palaka.

Nakikinig nang buong kapanglawan ang berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.

“Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.” Paniniyak ng berdeng palaka sa ina.

Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng berdeng palaka. Alam niya na siya ang dahilan ng maagang kamatayan ng ina.

“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa sarili.

“Susundin ko ina ang bilin mo sa akin na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng berdeng palaka.

At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at malakas ang alon, baka maanod ang libingan ng ina at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang ang namatay naina. Kapag malakas ang ulan, binabantayan niya ang libinga ng ina. Nagdarasal siya ng taimtim na nawa’y huwag lumaki ang alon baka matangay nito ang libingan ng ina.

Subalit, tulad nang dapat asahan, dumating ang ulang habagat at tumaas at lumaki ang alon, naanod ang libingan ng Inang Palaka.

Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na ulan at doon nagpatuloy sa walang humpay na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng ina.

Ito ang dahilan, ayon sa marami kung bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng palaka.


ð  Habang binabasa at pinag=aaralan natin ang kwentong ito , nasasalamin ko ng aking sarili sa ugali ng sutil na palaka. Dahil sa tuwing inuutusan din ako ng aking mga magulang o mga kaanak at kapatid , may mga pagkakataong binabaliktad o di kaya’y minamali ko ang kanilang utos nang sag anon , hindi na nila ako utusan ng paulit ulit , ngunit napaisip ako bigla nang mabasa ang wakas ng kwentong ito , natanong ko bigla sa aking sarili kung Ano kaya ang gagawin co kung sa akin din ito mangyari . Mula sa kwento , nakakuha ako ng aral at nabago ang aking pananaw , may mga bagay talaga na sa tingin mo’y tama ngunit talagang mali pala . Hindi pa huli ang lahat para magbago ako . Sana maisapuso ko araw araw ang aral na hatid ng kwentong ito .

Pabula ng Pilipinas :)

·        Matapos Baybayin ang bansang Korea , Halina’t magtungo sa sariling atin J Halina sa Bansang Sinilangan , Halina sa Pilipinas .
·        Narito ang Halimbawa ng Pabula ng Pilipinas : “Nagkamali ng Utos”

Pabula: Nagkamali ng Utos


Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin.

Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.

Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.

Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.

“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.

Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.

“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.

Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.

“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”

Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.

“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.

“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.

“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.

“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.

Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.

Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.

Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.

“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.

Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.

Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

* Isa itong nakatutuwang Pabula :) pinatunayan ng pabulang ito na hindi lamang ang mga malalaki ang nakagagawa ng malalaking bagay . :) Naging padalos dalos ang mga matsing at minaliit nila ang mga tutubi kaya sa huli , sila rin ang natalo.














Sagot sa Pokus na Tanong :)

1.)   Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang pabula ?

ð Mahalagang maunawaan at pahalagahan ang pabula dahil ito ay nakapagbibigay aral sa mga mambabasa at sa pamamagitan nito , nalalaman at nauunawaan natin ang mga katangian ng tao sa partikular na bansa .


2.) Nailalarawan ba ng mga hayop na tauhan sa pabula ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan nito ?


ð Opo J halimbawa nalang sa pabula ng Korea na Ang Hatol ng Kuneho , nailalarawan ditto ang katangian ng mga Korean na matatalinong magisip at marunong tumanaw ng utang na loob .

Pabula :)

Ano ang Pabula ?
 => Ang Pabula ay isang kwento na karaniwang binabasa ng mga bata. Ito ay nakapagbibigay ng aral sa mambabasa na ang karaniwang tauhan ay mga hayop . Karaniwang trahedya ang wakas nito na laging sumasalamin sa buhay ng tao . :)

Pabula ng Korea

http://64.19.142.10/holymotherofmountfairypeach.files.wordpress.com/2011/11/hwanung3.jpgKaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.

Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa

diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?


Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ikalima at ikaanim na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.

Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso.

Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.

Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.