Biyernes, Marso 20, 2015

Masasabi sa aming Guro



                                   Noon, akala ko masungit si maam, mataray, strikta. Pero sa halos isang taon naming pagsasama, nabago ang aking mga maling akala. Mabait si Maam, masipag magturo, magaling na guro at syempre maganda J Siya yung tipo ng guro na masasabi mong di tipikal. Sa kanyang pagpasok sa aming silid araw araw, iba ang kanyang emosyon. Akala mo laging seryoso at galit pero habang nasa klase na siya, sulit na sulit. Matatawa ka na, marami ka pang matututunan. Dagdag pa riyan hindi mo rin maiiwasang mapa WOW sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni maam. Yung tipong purong tagalog at napaka daming alam. Minsan nga napapanganga nalang ako. Sa bawat araw, ibat ibang aralin ang aking natututunan na talaga namang nagiging malinaw at lubos kong naiintindihan. Napakagaling kasi ni Maam magpaliwanag. Strikta pero nasa hulog talaga , ayaw niya na umuupo kami sa hindi namin totoong upuan. Ayaw niya na may iba kaming ginagawa sa tuwing may nagsasalita. Mahigpit din si maam, hindi ko makakalimutan ang pagsubok na ibinigay niya sa amin, ang bawal magsalita ng kahit na anong salitang ingles sa oras ng kanyang pagtuturo, kahit na SO o anupaman na may kaugnayan sa Ingles. Dahil unang guro namin siya, minsan natatawa na lang kami dahil nadadala na namin ito maging sa aming normal na paguusap. Pero kung atin talagang sususmahin, unti unti kong napagtatanto na napakagandang pakinggan ang salitang purong tagalog. Isa rin si maam sa aking gustong guro. Bakit? Dahil nakakatuwang isipin na sa kabila ng edad ni maam, nakakasabay pa rin siya sa aming mga pinaggagawa,yung tipong naiintindihan niya kami lalo na sa aming nararanasan bilang mag aaral at bilang kabataan. Minsan pa nga nang dahil sa mga payo niya napapangiti ang bawat isa. Kaya para sa huling pahayag, Maraming Maraming salamat po aming guro J isa kang biyaya na lubos po naming ipinagpapasalamat sa panginoon, salamat po sa araw araw na payo, saya at mga aral. Nawa’y bigyan pa po kayo ng lakas ng poong maykapal upang marami pa po kayong matulungang mag aaral. Maraming salamat po J

Masasabi sa Kurikulum ng K-12


                      Sa una, nakakainis marinig na madadagdagan ang taon n gaming pag aaral ngunit ng malaman namin ang layunin at paliwanag sa kurikulum, nabago ang aking pananawa. “kakaiba”, “astig”. Dalawang salita na masasabi ko sa kurikulum ng K-12. Dahil sa kurikulum na ito, puro estudyante ang dapat na nagsasalita sa harapan. Mahabang Panahon man ang gugugulin para matapos ang kurikulum, marami naman itong mabuting dulot. Sa pamamagitan nito, lubos na nahahasa ang mga mag aaral lalo na sa pakikipag talastasan sa klase. Makatutulong din ito sa bawat mag aarala upang maging madali ang pagtahak sa pagdating ng Kolehiyo.

Buong Karanasan sa baitang 9 J

                                Sa halos isang taon ko sa baitang 9, marami akong naging karanasan. Karanasan na nagbigay aral,nakapagpasaya, at nakapagpalungkot na talaga naming hindi malilimutan. Ibang iba kasi ito sa aming nakasanayan noong kami ay nasa baitang 8. Marahil dahil sa kaunti na lamang ang oras ngayon kaysa noon. Noon kasi halos baby kami kung maituring dahil sa lahat ng kompetisyon na aming sinasalihan halos lahat ng guro ay pinagtutuunan kami ng pansin, pinapagamit sa amin ang kanilang oras para sa pag eensayo ngunit ngayon, dahil a kakulangan sa oras sa aming klase pa lamang, kung kaya’t kailangan naming ng malawak na pag intindi sa aming mga guro. Hindi nagging madali ang aking karanasan sa taong ito. Araw Araw ay parang isang digmaan na kung saan kailangan mong lumaban dahil kapag sumuko ka, ikaw ang matatalo o mamatay. Sobrang nakakapagod dahil bukod sa aming pag aaral sa loob ng silid aralan, mayroon pa kaming sinalihang iba’t ibang organisayon o kompetisyon. Sobrang nakakastress sa dami ng takdang aralin, proyekto na kailangan ipasa sa tamang oras. Dagdag pa riyan ang alitan sa pagitan ng kamag aral dahil sa iba’t ibang rason. Ganun pa man, sa pagtatapos ng oras sa isang araw, nakatutuwang isipin na nakakayanan ng bawat isa ang pagsubok, na sa kabila ng pagsubok nakangiti pa rin kaming lahat. Stress at pagod man araw araw, nababaliwala ito sa tuwing nakikita ko ang aking grado. Sa taong ito, muli nanaman akong nakaramdam ng pangalawang pamilya. Sa mga pagkakataon na ilalaban ka sa ibang paaralan o sa mga kompetisyon na sinasalihan ko, buong puso kong nararamdaman ang kanilang buong suporta at pagpupursige pa nila sa akin. Sabi nga nila “Mahirap Mag aral pero mas mahirap pag walang pinag aralan”. Anumang hirap at pagod ang aking dadanasain, lagi kong sinasapuso na parte ito ng pagiging estudyante at kung wala akong haharaping pagsubok, hindi ako matututo at makakaahon sa buhay.

Linggo, Marso 15, 2015

Takdang Aralin



Repleksyon para sa ika-siyam linggo ng ikaapat na markahan

Ngayong linggong ito , natapos na naming ang aming ikaapat na markahang pagsusulit subalit muli pa rin naming tinalakay ang mga kabanatan o mga bagay tungkol kay Maria Clara. Hindi nagging madali ang linggong ito dahil mayroong iba’t ibang pannaw ang bawat isa kung kayat sa halos ilang katanungan n gaming guro ay mayroong iba’t ibang anggulo ng kasagutan, halimbawa nalang ang katanungan na kung ikaw si Maria Clara ipaglalaban mo ba ang iyong kasintahan o susunod na lamang sa utos ng iyong mga magulang, bawat isa ay may ibat ibang sagot na talaga namang mayroong basehan at totoong pwedeng mangyari sa kasalukuyan. Sa linggong ito din nabigyang linaw aat katarungan ang katauhan ni Maria Clara sa Nobela , bawat pangkat ay naatasang gumawa ng presentasyon upang sagutin ang mga katanungan na pumapatungkol parin sa nasabing tauhan. Sa huling araw ng linggo, hindi ako nakapasok sa kadahilanang pumunta kami sa bahay bakasyunan o kulungan sa Antipolo upang magbigay ng saya sa mga bakasyonista o mga presong babae. Nakakalungkot ang istorya ng bawat isa. Dito ko napagtanto na hindi lahat ng nasa lugar na may rehas ay masasama bagkus sila ay mabubuti. Sila ay maaaring biktima lamang ng pagkakataon kaya nila nagagawa ang mga maling bagay. Marami rin kaming natutunan sa kanila, Hindi pa huli ang lahat para magbago.bawat pangyayari sa ating buhay ay may rason, maaaring isa lamang itong pagsubok na ibinigay ng panginoon upang hindi tayo tuluyang maligaw ng landas. Sa kabilang banda, ayon sa aking mga kaklase,nagkaroon ng pangkatang gawain. Ang aming grupo ay naatasang gumawa ng isang tula tungkol kay Maria Clara. Bilang patunay ito ang aming litrato.

Sabado, Marso 7, 2015

Repleksyon para sa ikawalong linggo ng ikaapat na markahan

Ngayong lingo , unti nunti na naming kinilala ang ibat ibang tauhan sa Noli Me Tangere , nang matapos  kilalanin si Crisostomo Ibarra , binuklat naman naming ang buhay ni Elias , Maria Clara at Sisa . Napakabuting Kaibigan talaga ni Elias , sapagkat mas pinili niyang maging matalik na kaibigan ni Elias kaysa maghiganti kay Ibarra , si Elias ang nagging sandalan , katulong at karamay ni Ibarra sa pagtahak niya ng landas tungo sa pagbabago ng bayan ng San Diego . Pagdating naman sa karanasan niya , hindi pala puro saya ang naranasan ni Elias , bagkus marami rin siyang naranasang pagsubok . Napahirapan ang mga magulang niya noon ng mga ninuno ni Ibarra kung kayat siya ay nagpa laboy laboy at naging ama amahan niya si Kapitan Pablo , na mayroon din mapait na karanasan sa mga kura. Si Maria Clara naman ay higit na mayaman kumpara kay Sisa , sa kutis pa lamang makikita na natin ang kanilang pag kakaiba. Si Maria Clara ay galling sa marangyang pamilya na tapat na mangingibig ni Ibarra sapagkat kahit nagpakasal siya kay Linares , si Ibarra pa rin ang tunay na nilalaman ng kanyang puso samantalang si Sisa naman ay mayroong hindi magandang buhay , siya ay nakapang asawa ng malupit at walang paki alam sa kabila nito , mahal niya pa rin nag kanyang asawa’t mga anak .