Sabado, Pebrero 28, 2015

Repleksyon para sa ikapitong linggo ng ikaapat na markahan

Ngayong  lingo , dalawang araw kami wala sa aming klase dahil sa naganap na campaign ng SSG. Noong Miyerkules naman ay walang pasok dahil sa pagdaraos ng anibersaryo ng People’s Power Revolution. Ayon sa aking mga kaklase , nagkaroon ng Mock Trial na kung saan lilitisin si Ibarra , ito ay ginanapan ng aking mga kaklase na kung saan may nagsilbing Ibarra , Elias , at mga abugado . Noong Biyernes naman , nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa mga kaganapan sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Bilang takdang aralin, ibubuod naming ang mga kabanatang may kaugnayan naman kay Elias. 

Linggo, Pebrero 22, 2015

Repleksyon para sa ikaanim na linggo ng ikaapat na markahan

Ngayong linggo , unti unti na naming naiintindihan ang naging buhay ni Crisostomo Ibarra sa loob ng Noli Me Tangere , bawat pangkat ay naatasang suriin ang buhay pagibig , mga banta at suliranin at kung sino ba si Crisostomo Ibarra bilang anak . Napagtanto ko na hindi pala ganoon kadali ang dinanas ni Ibarra sa loob ng akda , marami pala syang pagsubok na dinaanan na minsay nagiging dahilan ng kawalan ng kanyang pag asa ngunit sa kabila nito , pinagpatuloy nya pa rin ang kanyang hangarin na maipagtanggol ang kanyang bayan , kahit na noo’y dumating sa punto na hindi siya tinutulungan ng kanyang bayan na makamtan ang pagbabago . Isa pa sa mga pumukaw sa aking damdamin , ay ang eksena ni Elias at Ibarra , na kung saan sinubok ang kanilang pagmamahal at pagiging matatag na magkaibigan , kahit na nalaman ni Elias na may kinalaman ang nuno ni ni Ibarra sa pagkamatay ng kanyang mga magulang , hindi pa rin ito naging balakid para mabuwag ang kanilang pagkakaibigan bagkus mas naging matatag silla sa kabila ng maraming pagsubok na dumating . 

Linggo, Pebrero 15, 2015

Repleksyon para sa ikalimang linggo ng ikaapat na markahan

Umiikot ang buong linggong ito sa pagtatalakay ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Bawat pangkat ay naatasang mag ulat ng mga kabanatang nakaatas. Sa una , mahirap intindihin sapagkat napakaraming malalalim na salita lalo na sa mga pahayag ni Pilosopong Tasyo . Naging malikhain naman ang bawat pangkat sa pag uulat . Bilang gawain , inatasan kami ng aming guro na itala lahat ng mahahalagang pangyayari na may kinalaman kay Crisostomo Ibarra at kung bakit ito mahalaga. Sadyang nakakamangha talaga ang may akda ng Noli Me Tangere dahil nabigyan nya ng hustisya ang bawat tauhan . 

Biyernes, Pebrero 6, 2015

Repleksyon Para sa Linggong Ito :)

Ngayong Linggo , tinalakay namin ang Noli Me Tangere. Bilang panimula , nagsagawa kami ng “Parade of Characters” na kung saan ang bawat pangkat ay gaganap ng iba’t ibang tauhan sa Noli Me Tangere . Bawat Miyembro ng pangkat ay nagpakita ng kanilang husay sa pag arte ng kanilang dapat na ganapan. Kasabay nito ang muli naming pagtalakay sa bawat tauhan ng nasabing akda . Ngayong Linggong din ito , unti unti na naming pinag aaralan ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere . Bawat Pangkat ay inatasan ng aming guro na iulat ang bawat kabanata ng akda . Sa Pangunguna ng Pangkat isa , marami na akong nalaman tungkol kay Crisostomo Ibarra . Tulad ng , ginamit nya ang kaugaliang natutunan nya sa ibang bansa sa pagbalik nya sa bayang sinilangan lalo na sa pagpapakilala ng kanyang sarili. Dagdag pa riyan nang bumalik si Ibarra sa bayan ng San Diego napagtanto nya na wala pa rin itong pagbabago simula noong pag alis nya dahil ang Rehas na iniwanan nyang baluktot ay ganoon pa rin sa kanyang pagbalik. 

Linggo, Pebrero 1, 2015

Repleksyon para sa Ikatlong Linggo ng Ikaapat na Markahan

                       Nahuli nanaman ako ng pagpaskil ng aking repleksyon dahil nagkaroon ako ng karamdaman sa mata kaya hindi  ko na nakayanang humarap sa  kompyuter . Ganun pa man , gusto ko pa ring isalaysay ang aking mga karanasan ngayong   linggo. Simula na ng Ikaapat na markahan , ang huling markahan namin sa grade 9 . Hindi ako nakapasok  noong martes dahil nga sa aking mata . Sa  buong taon ng aking pag aaral sa grade 9 , noong araw lang ako lumiban sa klase . Kaya naman hindi ako mapakali sa aming tahanan , text ako ng text sa aking mga kama aral tungkol sa kanilang mga ginawa at takdang aralin . Ngayong Linggo , wala si Ginang Mix to dahil nasa laban sa ng Regional School Press Conference (RSPC) kaya bilang kapalit , si Ginoong Mixto ang nagtuo sa amin sa loob n ilang araw . Pinag aaralan namin ang mga Tauhan n Noli Me Tangere . Ang inaakala kong simpleng Nobela , marami palang tinataong kahulugan . Nakakamangha talaga ang ating pambansang bayani . Napakatalino nya ,  nagawa nyang gumawa ng Nobelang may pagkakatulad sa kanyang katangian sa ibat ibang katauhan . Halimbawa nito ay si Crisostomo Ibarra , dahil pareho nilang ipinaglalaban ang kalayaan . Kalakip nito ang maikling pagsasanay tungkol sa mga  tauhan ng Noli Me Tangere. Excuse naman kami ng mga kapwa ko babaeng iskawt noong Biyernes dahil sa Camping sa Boso Boso. Napakasaya at di malilimutang karanasan . Mas malamig sa lugar na iyon kaysa sa aming Lugar. 

Repleksyon sa Ikalawang Linggo ng Ikaapat na Markahan



“Huli man at  magaling , naihahabol pa rin” . Magandang araw aking mambabasa ! Nahuli ako ng pagpaskil sa aking blog dahil wala na akong oras magkompyuter sa dami ng akiing gawaing bahay at pampaaralan. Noong ikalawang linggo ng aming ikaapat na markahan, tinalakay namin ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere  . Napakarami palang nagin dahilan kung bakit ito naiisulat n ating pambansang bayani . halimbawa nito ay : Pagkalugi ng Galleon Trade.Pangatlo ay Pagkakahiwalay ng mga kalapit na bansa.at Kawalan ng matatag na pamahalaan.   Kasabay nito ang pagtalakay namin sa mga akda patungkol kay Jose Rizal . Napag alaman ko na  bata pa lamang si Rizal ay  kinakikitaan na sya ng kakaibang talino ng kanyang Ina . Kapansin pansin sa bawat akda na sya ay lubos na mapangmantiyag kung kayat  bata pa lamang ay mulat  na ang kanyang isipan sa mga bagay na hindi pa dapat iniisip ng mga bata . Inatasan din kami ng aming guro na  panuorin ang  palabas na tungkol kay Rizal . Nang akin itong mapanuod ,  nag karoon ako ng dagdag kaalaman , lalo na sa  mga nangyari noong unang panahon .