Sa huling linggo ng talakayan bago magbakasyon , sinamahan tayo ni Bb.
Basbas sa silid-aralan. Sinariwa natin ang ideya ng : Ang dalit kay maria at
ang Elehiya sa kamatayan ng aking Kuya . Binasa at pinag aralan din natin ang
akdang Kung tuyao na ang luha mo aking bayan ni Amado Hernandez http://www.bulatlat.com/news/2-44/2-44-amado.html
Ito ay tungkol sa karanasan ng ating
bayan sa mga taong nakapaligid sa kanya . Pinag aralan din natin ang
pagpapasidhi ng damdamin , ito ay sinasagawa o inaayos pababa pataas o sa madaling salita mahina papalakas
. halimbawa nito ay Galit, Poot , suklam at kalakip nito ang ilang pagsasanay.
Linggo, Disyembre 28, 2014
Lunes, Disyembre 15, 2014
Repleksyon para sa ikaanim na Linggo
Ngayong Linggong ito , wala kaming masyadong ginawa dahil sa maraming
dahilan . Sa unang araw , walang pasok dahil sa Antipolo Day , sa ikalawang
araw naman , wala ring pasok dahil sa
lakas ng bagyong Ruby. Sa ikatlong araw , ang mga manunulat sa dyaryo ng
paaralan ay naatasang tapusin ang bawat artikulo sapagkat pasahan na ng Dyaryo.
Sa ikaapat na araw naman , wala pa rin si Ginang Mixto dahil inaasikaso nya ang
Dyaryo sa Filipino . Bilang Gawain , Inatasan kami ni Ginoong Mixto na Kopyahin
sa isang buong papel ang ilan sa mga akda at mga pagsasanay na aming
tatalakayin . Sa Huling araw ng linggo , kami ay nasa Bahay Kalinga para
bigyang handog ang mga batang nasa loob ng bahay Pag-asa . Pero nabanggit sa
akin ng aking kamag aral ang mga napagaralan nila. Tinalakay nila ang mga
akdang Elehiya para sa kamatayan ni Kuya , Ang Dalit kay Maria at kung tuyo na
ang luha mo aking bayan. Kasunod nito ang pagtatalakay nila sa Pagkakaiba ng
Elehiya , Dalit at Oda. Ang Elehiya ay
isang tulang Liriko na may karaniwang lungkot at pagdadalamhati , Ang Dalit
naman ay isang katutubong anyo ng tula na may walong pantig bawat
taludtod.Habang ang Oda ay tuang madamdamin na nagpaparangal sa isang dakilang
gawain ng tao .
Linggo, Disyembre 7, 2014
Aralin 3 :)
Sa linggong ito , nagsimula na an gating talakayan
sa Aralin 3 . Bilang panimula , nagparinig si Ginang Mixto ng isang mensahe ng
anak sa kanyang mga magulang . Naging Emosynal ang ilan sa atin , marahil dahil
naaalala nila ang mga mahal nila sa buhay partikular na ang gating mga dakilang
magulang. Bilang Gawain , nagbigay ng ilang mga katanungan si Ginang Mixto na
ating dapat sagutin sa kalahating bahagi ng papel pahalang. Ilan sa mga katanungan
na nakapalob dito ay “Ano ang mga hakbang na gagawin natin sa oras na mawala
ang mga mahal natin sa buhay . Naging Emosyonal din ako sap ag sagot sapagkat ,
hindi man natin kagustuhan na mawala sila , darating at darating talaga yung
mga pagkakataon na iyon . At sa mga oras na iyon , namutawi sa aking puso ang
pagmamahal ko sa aking mga magulang . Ang aralin 3 ay nakapokus sa Elehiya .
Elehiya :
ð Ang
Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni
na nagpapakita ng masidhi ng damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
Katangian ng
Elehiya :
·
Tula ito ng pananangis , alaala
at pagpaparangal ng mahal sa buhay .
·
Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni
at dakila .
Halimbawa ng Elehiya :
http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)