Martes, Enero 20, 2015

Repleksyon Para sa Ikasiyam na Linggo

            Higit na nakakapagod ang linggong ito kaysa noong nakaraan. Napakarami kasi naming inasikaso pagkatapos ng ikatlong markahang pagsusulit. Inatasan kami ng aming mga guro na ayusin at ipasa ang mga dapat ipasa gaya ng kwaderno , Portfolio at iba’t ibang proyekto. Napagtanto ko na napakahirap pala talagang mag aral ngunit mas mahirap kung wala kang pinag aralan. Kailangan ng sipag at tiyaga upang magtagumpay sa huli. Para naman sa Asignaturang Filipino , bilang panimula , ipinaalam ni Ginang Mixto sa amin ang aming mga pag aaralan sa loob ng ikaapat na markahan . ito ay tungkol sa Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal . Masaya kaming nalaman ito sapagkat magiging malawak na din an gaming kaalaman tungkol sa ating pambansang bayani ganun din sa kanyang mga isinulat . Kalakip nito ang paunang pagsusulit upang masukat an gaming mga nalalaman tungkol sa Noli Me Tangere . Para sa aming Produkto , gagawa kami ng Trailer at ShortFilm tungkol sa kabanata 7, 34, 54 at 60. Sa linggo din na ito dumating ang ating Santo Papa na si Pope Francis . Hindi man ako nakapunta ng personal sa kanya , damang dama ko naman ang kanyang mga mensahe kahit sa Telebisyon lamang . Nakakatuwang isipin na sa kabila ng malakas na ulan , pinagpatuloy pa din ni Pope Francis ang kanyang misyon sa ating bansa habang maraming pilipino din naman ang sinuong ang ulan para lamang makita siya at mapakinggan ang kanyang mga aral .

          #BlessedByThePope<3 #PopeFrancis<3 

Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon Para sa Ikawalong linggo :)

Sa Isang linngo naging pagkikita , marami tayong mga natalakay. Pinag-aralan natin ang tungkol sa :
“Pagpapasidhi ng Damdamin”
ð  ito ay tumutukoy sa antas, lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang  nagpapahayag ng damdamin . Halimbawa nito ay : Nagiinit , Nag-aapoy ,Naglalagablab.
“Sanaysay”
ð  ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro Abadilla.
ð  Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.
ð  Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham.
ð  Nagsasalaysay ng pangyayari .
ð  Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng mambabasa .
“3 Elemento ng Sanaysay”
·         Paksa => Sentro ng ideya ng buong akda.
·         Tono => Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa.
·         Kaisipan => mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.
“4 na uri ng Teksto”
·         Narativ o nagsasalaysay
·         Informativ o nagbibigay impormasyon
·         Persuasive o nanghihikayat
·         Argumentative o nagbibigay ng argumento
“Pamaksang Pangungusap”
Ø  Tinatawag na pangunahing ideya.
Ø  Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Ø  Ang pangungusap na ito ay maaaring matagpuan sa unahan , gitna , at sa huling talata.
Ø  Tumutukoy kung ano ang pinaguusapan sa buong talata.
Halimbawa:
·         Ang lahat ng malalayang bansa sa mundong ito ay may apat na magkakatulad na bagay.
“Pantulong na Pangungusap”
Ø  Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.
Halimbawa:
·         Ang mga sagisag nito ay isang pambansang pamahalaan , watawat , awit , at isang pambansang wika.
Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
= Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
= Paggamit ng estadistika o survey.
= Paggamit ng halimbawa.

At bilang paghahanda sa ating ikatlong markahang pagsusulit , nagkaroon din tayo ng mahabang pagsasanay tungkol sa ating mga napag aralan.