Talinghaga :
ð Mga
salita, parirala o pangungusap na may malalim na kahulugan . Kailangang
pagisipang mabuti upang maunawaan. Nabibilang ditto ang mga tayutay , idyoma, at parabula.
Ano nga ba ang Idyoma ?
ð Ang
idyoma ay mga salitang may malalim na kahulugan , ito ay madalas na maririnig
sa mga matatanda .
Halimbawa ng mga Idyoma :
·
Anak Pawis – Manggagawa
·
Isulat sa tubig – Kalimutan
·
Haligi ng tahanan – ama
·
Kabiyak ng dibdib – asawa
·
Balat sibuyas – maramdamin
Ang nga ba ang Parabula ?
ð Ito
ay mula sa salitang griyego na “parabole” na nangangahulugang dalawang bagay na
maaaring tao , bagay , hayop, lugar o pangyayari. Ito ay makatotohanang
pangyayari na naganap noong panahon ni Jesus .
ð Ito
rin ay nagtuturo sa atin upang gawin natin ang karapat dapat na kilos sa bawat
sitwasyon.
Katangian ng Parabula
·
Isang maikling kwento na
naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan ; ito’y payak na salaysay.
·
Tinutukoy nito nito ang
tagpuan, inilalarawan ang aksyon at ipinakikita ang resulta.
·
Kadalasan ang parabola ay
tungkol sa isang tauhang gumawa ng isang maling desisyon na humaharap sa isang
suliraning moral o kaya isang tauhang gumawa at nagdurusa sa mga hindi
inaasahang resulta.
·
May malalim na kahulugan
·
Gumagamit ng mga wikang
metaporikal
·
Nakapaloob ang mahihirap at
komplikadong kaisipan
Halimbawa :
Ang Talinghaga
Patungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan.
Mateo
20:1-16
1Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang may-ari
ng sambahayan na lumabas nang maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa sa
kaniyang ubasan. 2Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa
sa isang denaryo sa bawat araw, sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan.
3Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na at nakita niya ang iba
na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.4Sinabi niya sa
kanila: Pumunta rin naman kayo sa ubasan at kung ano ang nararapat, ibibigay ko
sa inyo. Pumunta nga sila.
5Lumabas siyang muli nang mag-iikaanim at mag-iikasiyam na ang
oras at gayundin ang ginawa. 6Nang mag-ikalabing-isang oras na,
lumabas siya at natagpuan ang iba na nakatayo at walang ginagawa. Sinabi niya
sa kanila: Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7Sinabi nila sa kaniya: Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa
amin.
Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan. Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.
Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan. Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.
8Nang magtatakip-silim na, sinabi ng panginoon ng ubasan sa
kaniyang katiwala: Tawagin mo ang mga manggagawa. Ibigay mo sa kanila ang
kanilang mga upa, mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9Paglapit ng mga dumating ng mag-iikalabing-isang oras, tumanggap
ng isang denaryo ang bawat isa. 10Nang lumapit ang mga nauna,
inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa. Ngunit sila ay tumanggap din ng
tig-iisang denaryo.11Nang matanggap na nila ito, nagbulung-bulungan
sila laban sa may-ari ng sambahayan. 12Sinabi nila: Ang mga
huling ito ay isang oras lamang gumawa at ipinantay mo sa amin na nagbata ng
hirap at init sa maghapon.
13Sumagot siya sa isa sa kanila: Kaibigan, wala akong ginawang
kamalian sa iyo. Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin sa isang denaryo? 14Kunin
mo ang ganang sa iyo at lumakad ka na. Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng
ibinigay ko sa iyo. 15Hindi ba nararapat lamang na gawin ko ang
ibig kong gawin sa aking ari-arian? Tinitingnan ba ninyo ako nang masama dahil
ako ay mabuti?
16Kaya nga, ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli
sapagkat marami ang mga tinawag ngunit kakaunti ang mga pinili.
Galing sa : https://biblesharingonline.wordpress.com/2011/08/18/ang-talinghaga-patungkol-sa-mga-manggagawa-sa-ubasan-ang-ating-ebanghelyo-para-sa-agosto-17-2011/
* “Ito ang dahilan kung bakit
nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga parabula ; kahit nakakakita ,
di nila nakikita, kahit naririnig , di nila naririnig o nauunawaan.”
Paliwanag
:
Ang parabulang ito ay sinambit ni Hesus. Ito
ay tungkol sa mga taong gusto lamang gawin ang kanyang mga gusto kaysa sa tama
. Halimbawa , may mga simbahan nga tayong nakikita ngunit may ibang hindi
pumapasok , mga mga bibliya nga tayo , ngunit ang iba ay hindi binabasa at
sinasapuso dahil nakadepende lamang tayo sa ating mga ninanais.