Linggo, Agosto 3, 2014

Aralin 1.3




                                             
   Bahagi ng Tulang Elehiya Para kay Ram
Ni Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.


ð Ang akdang ito ay sumasalamin sa problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon na kung saan ginagampanan nila ang responsabilidad na hindi dapat sa kanila . Ang mga kabataang Nagaaral dapat ay nagtatrabaho para maitaguyod ang kanilang pamilya .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento