Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
ni Jan Henry M. Choa Jr.
Isa sa
pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang
Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa
kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito
ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix
Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa
Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim
na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit.
Dahil sa
likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum
selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala
mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V,
Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi
lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng
awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa
katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia.
Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza
Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya rin
ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa
Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti
Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming
gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang
katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya
sa kaniyang mga tinatamasa.
Tunay na
ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na
may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng
musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng
Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang
mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng
Asya.
ð
Habang
binabasa ko ang Akdang ito , napagtanto ko na napakaswerte ko dahil hindi ko
nararanasan ang mga dinanas nya .